Chapter 144: BONDING 3

101 10 0
                                    

🏰ALEX🏰

Ang bobo ng Mamaw ni Nguso! Hindi niya nahahalata na dinadaya ko lang naman siya mula pa kanina. Akala ko mahahalata niya, hindi rin pala. Sa bato-bato pik din, wala namang toothpick doon eh!

Uto-uto siya...

Uto-uto na nga pangit pa!

"Mamaw habulin mo ako!" Kumaripas ako ng takbo palayo sa kaniya. Panay din ang tawa ko kaya bahagyang bumagal ang takbo ko.

"Nguso madapa ka," sabi ni Mamaw pero hindi ko siya pinansin dahil baka tayain niya ako.

Tumigil ako at humarap sa kaniya. Naglalakad lang siya papunta sa akin. "Bebebebebe," nakabelat kong sabi habang panay ang kendeng. Sinayawan ko rin siya ng Alex dance craze kaya tawa siya ng tawa. "Ano Mamaw? Pagod ka na agad?" Nang-aasar kong tanong. "Ah oo nga pala, matanda ka na kaya mabilis ka ng mapagod. Matandang pangit!" Nanakbo ako  dahil bigla na lang siyang tumakbo ng mabilis.

"Ikaw! Kanina ka pa ha?!"

"Aaaa!" Nagtitili ako habang panay ang takbo. Umikot ako sa kabilang parte at sumayaw-sayaw ng makalayo ako sa kaniya. "Ano? Hindi mo ako mahabol no? Matanda ka na kasi!"

"Manakbo ka na, dahil kapag naabutan kita kukurutin ko 'yang singit mo."

"Ginagawa 'yan tanda..."

"Ah sinusubok mo ako ha?" Nagsimula na ulit siyang manakbo palapit sa akin. Narinig kong malapit na siyang makalapit sa akin.

"Taympers lang!" Sigaw ko at pinag-ekis ko ang dalawa kong hintuturo. "Wait lang!"

"Anong taympers? Taympers? Walang gano'n," humakbang siya ng tatlong beses at hinawakan ako. "Taya!"

"Hala!" Reklamo ko. "Sabi ko wait lang ah!"

"Wala 'yon sa usapan Nguso. 'Wag ka madaya. Dali, ako naman ang habulin mo." Nagsimula na siyang manakbo kaya nanakbo na rin ako. Hindi ako pwedeng maburot dito! Humakbang siya pakanan ng malapit ko na siyang mataya kaya hindi umabot ang kamay ko. Umikot siya kaya hindi ko na naman siya nataya. Tumagal ang habulan namin at hindi ko man lang maabutan maski anino niya.  "Ah burot! Burutin 'wag paiyakin!"

"Mamaw magpataya ka na," pagmamaktol ko.

"Ayaw ko nga," umiling siya. "Burutin 'wag paiyakin. Burutin 'wag paiyakin," pakanta niyang sabi habang sinasayaw ang pamatay kong galawan.

Ang Alex dance craze!

"Mamaw magpataya ka na, please..." Sabi ko habang nakanguso ng pagkahaba-haba! Nagpacute na rin ako sa harap niya para maawa na siya sa akin.

"Ayaw," sabi niya habang panay ang sayaw ng sayaw ko.

"Mamaw mali," puna ko. "Lapit dito tuturuan kita."

"Ayoko nga, tatayain mo ako eh."

"Hindi Mamaw," pagsisinungaling ko. "Hindi kita tatayiin, promise." Itinaas ko ang kamay ko't pinantay sa dibdib ko.

"Sinungaling..."

"Tuturuan lang kita Mamaw." Naglakad na ako palapit sa kaniya at tinuruan ko siya. Walang nabago sa sayaw dahil tama naman talaga ang sayaw niya.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon