Chapter 188: TRASH TALKING

141 9 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Hindi kami nakapunta sa ospital kahapon dahil pinahupa muna namin ang baha sa ibang lugar. Hindi naman kami binaha pero 'yung dadanan namin, oo. Mas minabuti na lang ni Mama na manatili rito sa bahay at magpalipas ng isang araw bago bumalik sa ospital.

Miyerkules na ngayon at maganda naman ang panahon. Mainit na dahil tapos na ang bagyo kaya usap-usapan na sa magkabilang group chat ang Opening ng Sports Fest. Ang sabi ng iba baka bukas daw, ang sabi naman ng ilan baka Friday raw. Sa palagay ni Mrs. Gracia baka Biyernes nga, pero dedepende pa 'yon sa may-ari ng eskwelahan na pag-gaganapan ng Sports Fest.

"Darling ready ka na?" Tanong ni Ate. Nasa labas na siya ng kuwarto ko. Nagbibihis na kasi ako dahil pupunta kami sa ospital ngayon.

"Oo wait lang Ate." Chineck ko muna 'yung bag ko dahil baka may maiwan ako. "Pababa na ako."

"Ma okay na nakalock na," sabi ni Ate kay Mama.

"Oh tara na," yaya niya kaya lalo akong nataranta. Bumaba na ako at sumakay sa sasakyan. Dito ako sa likod umupo, sila Ate na sa harap.

Ako ang pinakahuling nagising pero ako pa ang nahuli. Maaga kasi silang bumangon para magluto ng mga pagkain na dadalhin doon sa ospital.

"Let's go," sabi ni Ate. Siya ang naupo sa driver's seat kaya malamang siya ang magmamaneho.

Mahabang talakan na naman 'to...

"Ayusin mo ang pagmamaneho Darlene," banta ni Mama. Surip kasi si Ate, parang si Tita. Kung makapagmaneho akala mo sa kaniya ang kalsada.

"Oh yes," sabi lang ni Ate.

"Sige pa," sabi ko. Nakatingin ako sa likod at inaantabayanan ang sasakyan dahil paatras kami. "Ops!"

"Thanks Darling!"

"You're welcome Darlene," wika ko sabay tawa. Sinamaan niya ako ng tingin dahil hindi ko siya tinawag na 'Ate'.

Nakatingin ako sa daan habang nagdadrive si Ate. Siya rin ang nagpapatugtog ng mga kantang paborito niya kaya panay din ang kanta niya.

"Gusto ko sanang asarin si Tita noong nakaraan eh, kaso natatakot ako do'n sa Bibi niya." Tumawa ng malakas si Ate kaya nahawa rin ako. Pinag-uusapan kasi namin 'yung endearment nila.

Bibi?

Lakas makabagets...

"Darlene sa daan ka tumingin," pagalit na sabi ni Mama. "Oh oh oh! Tignan mo 'yung nasa gilid mo! Overtake ka ng overtake!"

"Hindi naman 'yon, sumenyas naman 'yung driver," katuwiran ni Ate. Ganiyan sila ni Mama kapag si Ate ang nagdadrive

Sanay na ako...

"Ayusin mo Darlene, tatamaan ka sa akin." Salubong na salubong ang kilay ni Mama ng magkatinginan kami sa side mirror. Tahimik na kami sa buong biyahe dahil baka masinghalan lang kami ni Mama.

Gagalit ang Mama niyo...

Nakarating kami sa ospital ng ligtas, salamat sa Panginoon...

Tinulungan ko na sila magdala ng mga pagkain dahil baka sabihin nila eh wala akong dulot. Kami na lang ni Ate ang nagbuhat ng mga pagkain, dahil bitbit ni Mama ang mamahalin niyang bag na inarbor niya kay Tita.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon