🏰DARYLLE🏰
Lahat kami ay napanganga dahil sa ginawa ni Alex. Alam kong hindi imposibleng magawa niya 'yon dahil bukod sa matangkad siya napansin kong ang taas niya pang tumalon.
Pero dahil babae siya, nakakabilib!
"Woah!" Nagtayuan ang lahat at napasigaw. Dagundong sa buong covered court.
"Ang galing!"
"Walastik!"
"Alley oop!"
"Ang lakas!"
"Talo pusta ko!"
"Wow!"
"Ang taas tumalon!"
"Lodi petmalu!"
Lumapit ako kay Alex habang nakatawa. "Grabe lumilipad ka pala," biro ko.
"Minsan 'pag tinatamad," nakangising aniya. Lumapit siya kina JC. "Amin na, kami panalo."
"Grabe," iiling-iling na sabi ni JC. "Mag-try out kayo bukas."
"Kailangan namin ng players," ani Jason. "Ang gagaling niyo."
"Hindi namin kailangan ng papuri," nakangising sabi ni Alex. "'Wag niyo ibahin ang usapan. Nasaan na ang pinagpustahan?" Inabot sa amin ni Jason ang pera. Nagngitian pa kami nila Sydney.
"Libre!" Sigaw ni Cassey.
"Walang problema," sabi ko.
"Ang galing niyo!" Pumapalakpak pa si Georgina habang nagtatatalon. "Alex paano mo nagawa 'yon?"
"Tinalon ko," sagot niya. "Para sure na pasok. Ayoko matalo ang laki ng pinusta ko eh."
"Ang dami niyong pasa." Papalit-palit ang tingin sa amin ni JC. "Mag-try out kayo bukas ha? Aasahan ko kayo."
"Kailangan talaga ng players kasi 'pag wala tayong nabuong team pwede tayong madisqualified sa Sports Fest," ani Jason.
"Hindi na namin problema 'yon." Nginiwian lang sila ni Alex at naglakad palayo. Naupo siya sa bench at kinuha ang jacket para ipang-punas.
"Ang galing niyo. Mag-try out kayo bukas ha? Sige na..." Pinagdikit ni JC ang mga palad niya at pumikit na parang nananalangin.
"Oo na paulit-ulit." Inirapan siya ni Sydney bago maglakad. Sumunod na rin ako at tumabi kina Alex para magpahinga.
"Akyat na tayo guys!" Sigaw ng president namin. "Time na!"
Isa-isa na kaming nagtayuan. Nagyaya si Alex sa locker para makapagpalit kami dahil basang-basa kami ng pawis. Dumiretso kami sa CR para makapagchange outfit.
"Uy 'yung libre ko ha?" Sigaw ni Cassey. Hawak-hawak niya 'yung mga damit namin.
"7 Eleven lang tayo," sabi ko. "Kain tayo hotdog."
"Ay gusto ko 'yan," sabi ni Sydney.
"Hindi kami makakasama. May training kami," wika ni Georgina. Magkakasabay din kaming lumabas sa cubicle. Nagtawanan pa kami dahil ang suot naming lahat ay 'yung shirt na nakuha ni Alex.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...