Chapter 71: SALAMAT ATE ALEX

189 17 1
                                    

🏰MATTHEW🏰

Sigurado ako na 'yung lalaking sumundo sa kaniya ay 'yung lalaki ring nakita ko noong gabi sa gate na pinasukan niya. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil nasa dulo kami ng bus.

Gwapo raw...

Tsk...

Ang nakapagtataka pa, bakit sa San Pablo siya nagpasundo? Hindi naman siya taga-doon eh. May bahay din ba siya doon? Kung meron man, bakit alam din ng lalaking 'yon?

Sino ba kasi 'yon?

Kainis...

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa daan. Naalala ko na naman ang mukha niya kanina habang yakap-yakap 'yung manika na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Nakita namin sila ni Guione sa store kanina. Nagkunwari lang akong hindi ko siya nakita kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko siyang lapitan at kausapin kanina.

Sayang...

"One cellphone mo yata 'yung nagriring," sabi ni Rafael. Nasa tapat namin sila. Kaharap nila si Luke at Yixing, si Samuel ang katabi niya.

Nang kunin ni Guione ang cellphone niya ay tuluyan ng naputol ang tawag. "Ano namang kailangan nito?" Nakita kong si Mina ang tumawag sa kaniya sa messenger. Ang dami rin niyang pm do'n. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko naman ugali ang mambasa ng convo ng ibang tao.

"Hala!" Bulalas ni Guione. "Luke si Bridgette daw nasa hospital."

"Weh?"

"Bakit?"

Tumingin lang si Luke sa amin at pinakita ang kawalan ng interes. "Bakit daw?" Walang ganang tanong niya.

Binasa ulit ni Guione ang chat ni Mina. "Nahulog daw dahil sa liftings kanina. Nabitawan daw..."

"Naku!"

"Yari na naman..."

"'Wag na tayong sumali ng Cheerleading. Talo na rin naman 'yan," ani JC. "Napanood ko 'yung routine nila noong isang araw. Ang pangit!"

"Pupunta ka raw ba?" Tanong ni Guione.

"Hindi naman ako doctor. Hindi ako kailangan do'n."

"Luke girlfriend mo si Bridgette," sabat ko. "'Di ba dapat puntahan mo siya?"

"Bakit gagaling ba siya 'pag nagpunta ako ro'n?"

"No pero at least nando'n ka for her."

"Kung gusto mo, eh di puntahan mo."

Hindi na ako umimik dahil siguradong hindi maganda ang pupuntahan ng usapang 'to kung sasagot pa ako. Alam ko namang nag-away silang dalawa dahil sa nangyari noong nakaraan. Labas na ako ro'n at wala naman akong kasalanan. Bahala na silang dalawa kung paano nila aayusin ang sa kanila pero sana maayos pa kasi ayoko namang may humambalang pang iba.

Muli akong napangiti ng maalala ko si Alex kanina. Ang saya-saya niya talaga. Sana sa susunod ako naman 'yung kasama niya. Igagala ko siya kahit saan niya gusto. Bibilhin ko rin lahat ng matipuhan niya. Pakakainin ko rin siya ng sandamukal na Hi-Ho kasi 'yon ang bagong favorite niya.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon