🏰DARYLLE🏰
Pinag-break na kami ng mga Coaches dahil mag-a alas diyes na. Buo naman na ang yell namin medyo pumapalya lang ng kaunti dahil naghaharutan at nagtatawanan ang ilan, lalo na kapag Alex dance craze na.
Ang cute naman kasi...
Lahat kami 'yon ang pinakafavorite na part. 'Yung mga lalaking parang tuod kung gumalaw nagiging dancerist kapag Alex dance craze na.
Hype na hype!
Ang pinsan kong mukhang tatakbong congresswoman, namimigay ng pagkain. At ang pinakamatindi sa lahat, naghahanap ng lamesa dahil doon daw niya gustong kumain!
"Pahingi!" Sigaw ni Kendrick. Magkasabay silang naglakad ni Georgina. Natawa pa ako ng mapansin kong mas babae pa pala maglakad si Kendrick kaysa kay Georgina.
"Patikim ng katas ng magagwanda," ani Georgina. Pinaikot namin ang upuan kasama ang ibang players ni Coach Limer.
"Si Cassey?" Tanong ni Alex sabay libot ng paningin. Inayos ko ang upuan niya dahil magkalapit kami.
"Hindi siya player 'di ba?" Sabat ni JC. Medyo naiilang pa ako kay Jason pero okay naman na dahil hindi naman nila kami inaasar.
Hindi nga ba?
O hindi pa?
'Wag naman sana...
"Bawal ba siyang pumunta rito?" Tanong ni Alex sabay hagis ng Hi-Ho at sinalo 'yon gamit ang bibig. "Baka nagugutom na siya."
"Hindi 'yon," ani Sydney. "Si Cassey pa ba? Makaramdam lang ng konting kulo sa tiyan 'yon bakbakan na agad."
"Wahahahahahahahahaha!"
"Oy grabe kayo, pumapayat na nga ang Lola niyo." Kinuha ni Kendrick ang Rondoletti at binuksan 'yon. "Masarap pala 'to." Binasa niya ang pangalan non.
"Namamayat na nga 'yon dahil kay Minang bruha," sabat ni Sydney. Pinandilatan ko siya ng mata dahil nandito ang mga kaibigan niya.
"Sorry nga pala," napalingon kami kay Guione dahil do'n. "Hindi ko kasi alam na siya pala talaga ang gumawa non." Ramdam kong medyo nagkahiyaan at nagkailangan pa kami.
"Oks lang 'yon," ani Alex. Itinaas niya ang isang paa sa upuan. Sumilay ang malokong ngisi sa labi bago tumawa. "Hay... nako..." Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero nagkibit balikat lang. "Hindi ba ako pinapatawag sa POD?"
Nagkatinginan pa kaming lahat.
"Hindi naman te," si Kendrick ang sumagot. "Bakit gusto mo bang mapatawag?"
"Hindi naman," cool niyang sabi. Parang bumalik siya sa normal na siya ngayon. Panay ang hagis niya ng Hi-Ho at kinakain kahit nahulog na.
"Wala bang panulak?" Tanong ni Sydney.
"Ito tulak oh," tinulak siya ni Kendrick at medyo napalakas ng kaunti kaya natawa kami dahil muntik siyang maurangod. "Ay sorry na Lola Sydney," panay ang hampas ni Sydney sa kaniya. "Char-char lang naman 'yern."
"Char-char? Muntik na ako mahulog," saad ni Sydney.
"O-o-o-okay lang 'yan S-S-S-Sydney, Y-Y-Y-Yixing will catch if you fall," ani JC sabay tawa.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...