🏰LUKE🏰
Kagagaling lang namin sa Comp Lab, katatapos lang kasi namin bumoto. Ngayon ang Election para sa KU Student Council. Kung sino-sino lang din ang binoto ko wala naman kasi akong naintindihan sa Meeting de Avance kahapon. Nasa iba kasi ang focus ko.
Nando'n sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang MATULOG!
"Luke tara na raw." Tinapik ako ni Yixing na nagmamadaling manakbo pababa.
Kailangan na naming pumunta sa baba dahil alas tres na. Nagmadali na akong bumaba at pumunta sa classroom para kunin ang gamit ko at nagmamadali ring lumabas.
"Luke," nagulat ako ng biglang sumulpot si Bridgette. "Love manonood ako ha?"
"Sure," pagpayag ko. "'Di ba suspended ka?"
"Yeah sa Monday ko na itutuloy. Nakiusap ang parents ko kasi may presentation kami ngayong Friday." Tumango-tango lang ako. Bigla siyang yumakap sa akin. "Namimiss na kita. Sobrang busy kasi natin kaya hindi na tayo nakakapagdate. Labas tayo sa Saturday."
"Sure," sabi ko.
"Yehey," nagulat ako ng halikan niya ako sa labi. Hindi ito ang unang beses namin 'tong ginawa pero parang nailang ako bigla.
Marahan ko siyang tinulak palayo. "Baka may makakita nakakahiya. Kailangan na rin ako sa baba." Nagmadali akong bumaba at pinunasan ang labi ko.
Oo nga pala, may girlfriend pala ako...
Muntik ko ng makalimutan...
"Alcantara bilis!" Sigaw ni Coach Limer. Tumatakbo na kasi sila ako na lang hindi.
"Coach ilan?" Tanong ko.
"30 lang dalian mo. Kailangan bago mag 4:30 makaalis na tayo."
"Yes Coach!"
Manonood kaya siya?
Bakit hindi ko siya nakikita?
Oo nga pala, suspendido rin ang isang 'yon...
Tahimik lang akong ginagawa ang lahat ng dapat gawin. Takbo rito, takbo ro'n. Shoot dito at shoot doon. Hanggang sa pagpahingahin na kami at pagpalitin ng damit dahil kailangan na naming pumunta sa UoSJ.
Sumakay na kami ng Coaster ng School. Si Coach nasa baba pa nakikipag-usap sa mga staff. Nang makapasok ako ron, hindi ko alam kung saan ako uupo.
Two by one kasi 'yon. Umupo ako ro'n sa pinakadulo, doon lang sa isahan. Alam kong nakakahalata na ang mga kasamahan ko dahil hindi kami nagpapansinan nila Guione.
Buong biyahe tahimik kami. Nagpapatugtog sila, nagkakainan at nagkakantahan pero hanggang doon lang. Lahat kami nagpapahinga buong biyahe. Malapit lang naman kaso traffic. Siguro 30 minutes ang biyahe kung hindi traffic.
Nakajogging pants kaming lahat at nakajacket pareho 'yung sa school. Kulay Gray na may konting itim. Nasa kaliwang dibdib ang logo ng school, nasa kanang dibdib naman ang KU. Nasa gilid ang number namin at nasa likod ang surname.
Nang makarating kami ro'n sobrang daming estudyante agad ang sumalubong.
"Aaaaaaa!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...