🏰LUKE🏰
Maaga akong pumasok dahil wala akong magawa sa bahay. Magshushooting na lang ako kasi nababadtrip ako. Hanggang ngayon nababadtrip pa rin ako dahil sa nalaman ko. Gusto ko talagang sugurin si Sean para komprontahin kaso sigurado akong mauungkat na naman 'yan.
Baka malaman ng parents ko...
Ayaw kong malaman nila ang totoong nangyari sa amin ni Audrey. Good thing, hindi pa nakakarating sa kanila ang nangyari sa amin ni Bridgette. Hindi ko rin sinabi na hiwalay na kami.
Anong sasabihin kong dahilan?
Na nalaman kong sila ang nagpalabas ng scandal ni Audrey na naging dahilan kung bakit kami naghiwalay?
Ayaw ko na ring maungkat 'yon. Baka magalit kasi si Mommy at Daddy. Ayaw ko rin namang mag-away ang parents ko at sina Tito Raymond. Matagal na silang magkaibigan kaya ayoko namang mag-away sila ng dahil lang sa amin. Sinabihan ko rin naman sina Tito Raymond na 'wag ng sabihin kina Daddy at pumayag naman sila.
Kaso may problema...
Paano 'pag nakita nila si Danica sa Sports Fest?
Anong sasabihin ko?
Paano 'pag nakita siya ni Sean?
Ni Tito Raymond na nagpapahanap sa kaniya?
I'm about to lose my mind...
Natigilan ako sa pagshushoot ng mahagip ng mata ko si Danica na naglalakad. Hindi ko alam kung bakit ang aga niya ngayon. Alam ba niyang nandito ako? Kahapon kasi pinatayan ko sila dahil...
Nagseselos ako!
Nakakainis...
Wala naman akong karapatan pero hindi ko rin naman kayang pigilan kaya kikimkimin ko na lang, hanggang kaya ko. 'Tsaka ko na poproblemahin ang kina Tito at sa parents ko.
Nagtayuan ang balahibo ko ng maramdaman kong dumaan siya sa likod ko. Pasimple ko siyang tinignan habang naglalakad siya papunta sa bench. Shinoot ko ang bola at kinuha rin 'yon kaagad. Naglakad ako habang dinidribble ang bola. Pinatong ko ang bola at umupo malapit sa kaniya.
"Danica..." Tawag ko sa kaniya. "Sorry sa nangyari noong Sabado. Pasensiya na..." Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Nakatungo lang siya na parang walang narinig. "Danica..." Lumapit ako sa kaniya. "Sorry na please..."
"'Wag mo na akong kakausapin." Tumayo siya para lumipat ng upuan pero binilisan ko 'yung lakad ko para maabutan ko siya. Hinapit ko siya palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. "Anong ginagawa mo?"
"Danica sorry na," sabi ko. Hinigpitan ko lalo ang yakap ko. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at dinikit sa dibdib ko. Ipinatong ko ang baba ko sa bumbunan niya. "Bati na tayo... Pansinin mo na ako ulit."
"Bati? Bakit inaway ba kita?!"
"Shhh... 'Wag ka sumigaw hindi naman ako bingi." Naramdaman ko ng pumipiglas siya. "Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ka nakikipagbati sa akin."
"Bitawan mo ako!"
"Sorry na..."
"Ayoko!" Napapikit ako ng apakan niya ang paa ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...