🏰GLYDEL🏰
Nagising ako dahil tumutunog ang cellphone ko. Sino naman kaya ang matapang na naglakas ng loob na gisingin ako?! Bumangon ako at kinusot-kusot ang mata ko. Ibinalot ko ang sarili ko sa comforter dahil natulog ako ng nakahubad.
Inggit ka? Gaya ka!
Ang init-init kasi, parang ang sarap tuloy tumambay sa Pueblo at magkape. Sigurado, malamig doon ngayon. Paminsan-minsan talaga naghuhubad ako bago matulog, lalo na kapag ganitong mainit ang panahon.
Kapag pumasok si Erning, basag ang bungo niya!
Napatingin ako bigla sa kalendaryo dahil namatay na ang cellphone ko. Mamaya ko na lang sasagutin kapag tumawag ulit. Agosto na pala?
Buwan na ng wika...
Ang bilis ng panahon...
Apat na buwan na lang at matatapos na ang trabaho ko rito. Mamimiss ko rin ang bahay na 'to dahil ang tagal ko ring naglagi rito. Bibilhin ko na lang 'to, hihiritan ko si Fifty Four!
Pwede ring ito na ang ibayad niya sa akin...
Tanda, baka naman!
Kapag natapos na ang trabaho ko, bibili ako ng eroplano para malibot ko ang mundo. Matutulog ako sa Australia, mag-aalmusal sa South Korea, magsi-CR sa Dubai, magtatanghalian sa Italy, iinom ng tubig sa Switzerland, magpapababa ng kinain sa Germany at magpipicture sa France.
Ang saya hindi ba?
Nagsuot na muna ako ng damit habang hinahantay na tumunog ang cellphone. Dinaig ko pa si Flash sa bilis ng marinig kong tumunog ulit 'yon. Dinampot ko 'yon at napangiti ng makita ang pangalan ni Nguso ro'n.
Ano na naman kaya ang kailangan nito?
Tumaas kaagad ang kilay ko habang hinahantay siyang magsalita. Lalong nangunot ang noo ko ng walang akong marinig. "Hoy? Nandiyan ka ba? Anong trip mo ha?"
"I love you Mamaw!"
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa sobrang gulat dahil sa lakas ng boses niya. "Ikaw na pangit ka, bakit sumisigaw ka? Ganiyan ba mag-I love you sa Mamaw? Nakasigaw? Hindi man lang malambing?"
"Hala Mamaw sorry, uulitin ko na lang." Inilayo ko ang cellphone para hindi niya marinig ang pigil kong tawa. "I love you Mamaw..." Sinabi niya 'yan sa pinakamalambing na paraan.
Ang galing talaga mang-uto...
"Oh tapos?" Pinagdikit ko ang labi ko dahil malamang pumoposisyon na ang nguso niya sa dapat niyang kalagyan.
Umaabante na...
"Mamaw nasa'n na ang I love you too ko?"
"Ewan ko," sabi ko sabay tawa ng palihim.
"'Di mo na ba ako love?"
"Hindi na siguro," sagot ko. Inilayo ko na kaagad sa tenga ko ang cellphone dahil siguradong sasabog na naman ang bibig nito.
"Hindi pwede!"
Sabi sa inyo eh...
Nilapag ko ang cellphone ko sa kama at lumayo para tumawa. Kahit kailan hindi nabigo ang batang 'yan na pasiyahin ako. Sa simpleng pasigaw-sigaw niya lang natutuwa na ako, lalo na kapag nakikita ko ang reaksiyon ng mukha niya.
Nakakatawa talaga...
Sigurado ako, ang nguso niya ngayon ay umabot na sa Neptune sa sobrang haba. Ganiyan siya mag-inarte!
Manang-mana sa pinagmanahan niya...
Lumapit ako at kinuha ang cellphone. "Pwede," pang-aasar ko. Narinig ko na siyang mag-uungot sa inis. Kung nandiyan ako malamang hahalik-halikan na naman ako ng batang 'yan. Bwiset, sa amin niya ni Mamba natutunan 'yan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...