🏰LUKE🏰
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari. Buong magdamag lang naman akong kinilig habang inaalala 'yung nangyari kagabi.
Magkahawak ang kamay naming tumatakbo...
Naligo kami ng ulan...
Kumain kami ng magkasabay...
Kahit 'yung paghabol ng mga aso sinama ko na rin...
Parang dati lang...
Nakangiti akong bumaba sa sasakyan bitbit ang mga gamit ko. Natanaw ko na ang mga kateam ko at pati na ang mga volleyball players ng men's division. Malayo rinig na rinig ko na ang bibig ni Kendrick na walang preno.
"Nakakaloka naman kasi mga kya! Akala ko kami ang maglalaro ngayon. Ang dami-dami kong dalang gamit dahil ang sabi ngayon daw ang laro 'yun pala sila Georgina ang maglalaro ngayon."
"Bakit kasi ang dami mong dala? Eh maglalaro ka hindi ka naman magpa-fashion show," ani JC.
"Paki mo?" Singhal ni Kendrick. "Pupunta pa tuloy kaming University of Stanford. Panonoorin ko ang beshiewap ko!"
"Hindi kami pwede manood dahil kailangan daw kami sa tryout."
"Okay lang JC hindi ka naman kawalan baka nga mawalan pa ng gana si Georgina na maglaro 'pag nakita ka eh."
"Eh di wow!"
"Boys! CC!" Lumapit na kami kay Coach Limer. "Magtraining na muna kayo. Aasikasuhin ko lang ang Basketball girls. Luke ikaw na muna bahala."
"Yes Coach," sagot ko.
"Kendrick iniwan kayo sa akin ng Coach niyo. Hindi ko kayo mababantayan dahil may aasikasuhin pa ako. Ikaw ang president ng Sports Club hindi ba?"
"Yes Coach," malanding ani Kendrick.
"Magset ka ng meeting, kailangan nating mapagmeetingan ang tungkol sa Mr. and Ms. Sports Fest natin."
"Kailangan ba Varsity Coach?"
"Hindi ko pa alam. Aalamin ko muna para sigurado pero ang narinig ko kasi Varsity daw ang kailangan."
"Pwede magmeeting sa Monday? Kahit after class lang?"
"Oo sige paki-inform na lang ang ibang mga members. Alis na ako." Nagmamadaling kinuha ni Coach ang bag niya. Hinantay muna namin siyang makaalis bago kami gumawa ng ingay.
"'Wag na tayong magtraining hindi naman malalaman ni Coach eh," ani JC. "Basta 'wag lang nating sabihin."
"Hindi pwede," sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi tayo pwedeng magpakampante. Mamba pa lang 'yung nakalaban natin, paano pa 'yung iba?" Natahimik naman siya at nagbaba ng tingin. "Start na tayo kung gusto niyong maaga matapos." Binaba ko na ang lahat ng gamit ko. After naming manakbo nag-shooting na kaagad kami.
"Nakuha si Yiren?" Tanong ko kay Yixing habang nagdidribble ng bola.
"Oo kaso tatlo lang sila kaya namomroblema si Coach Limer."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...