Chapter 8: DATE 2

258 37 2
                                    

🏰DARYLLE🏰

Nagyaya na akong bumaba dahil malapit na mag-five. Naalala ko si Alex, kaya naisip kong tawagan siya pero hindi sumagot. Si Ate Darlene na lang ang tinawagan ko.

"Hello Ate? Pababa na ako."

"Sis, wait lang mag-mimeeting lang kami. Hantayin mo na lang ako sa may kotse."

"Okay, sige." Nilagay ko na 'yung phone ko sa bulsa ng jogging pants.

"Sino 'yon?" Tanong ni Cassey.

"Si Ate," sagot ko.

"Aaaah," tumango-tango siya. "'Di ba hanggang five lang din si Danica doon?"

"Oo," sagot ni Georgina.

"Daanan na kaya natin?"

"Tara!" Yaya ko. Pinauna namin sina Georgina kasi sila ang nakakaalam no'n. Varsity pala sila ng school pareho silang Volleyball player ni Kendrick.

"Uy sarado na," sabi ni Kendrick nasa harap siya ng pinto. "Anong oras na ba?"

Tinignan ko 'yung relo ko. "5:03 na pala. Tara na baka hinahantay na ako ni Ate."

Naglakad na kami palabas. Sinubukan kong tawagan si Alex pero busy ang phone niya.

Sino naman kaya ang kausap ng babaeng 'yon? Nasaan kaya siya?

Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko napansin na nakaharang pala sina Luke sa amin.

"Uy Luke ang bongga non ah!" Wika ni Kendrick na kinikilig-kilig pa. Malamang 'yung kanina 'yung tinutukoy niya.

Ngumiti lang 'yung Luke ng may halong pagmamalaki.

Psh! Para 'yun lang!

Pinasadahan kami ni Luke ng tingin na parang may hinahanap.

"Kulang yata kayo," sabi ng lalaking nakabuntot sa kanila. Kaibigan din nila 'yan.

"Hoy Guione, may kailangan ka ba?" Tanong ni Georgina.

Guione ang pangalan niya. Okay!

"Ako wala pero itong si Matthew meron." Pinatong niya 'yung dalawang kamay niya sa balikat ng kaibigan niya na parang hinihilot.

Matthew ang pangalan ni Knight in Shining Uniform. Okay!

Tumikhim pa siya bago humakbang palapit sa akin. Teka...

Bakit sa akin?

"Hi Darylle," nginitian niya ako at kinawayan.

"Yieee," tinukso tuloy ako nila Kendrick.

Teka... Kilala niya ako? Paano?

"Pwede ba kitang maging date sa Friday?" Diretsahang tanong niya.

Kumurap-kurap ako. Nababaliw na ba siya? Hindi ko nga siya kilala tapos yayayain niya ako.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon