Chapter 185: SWIMMING

146 9 0
                                    

🏰ALEX🏰

Akala ko hindi na matatapos ang bangungot na 'yon. Mabuti na lang dumating ang Doc ni Cutie Pie para icheck ang sugat ko. Ang sabi niya magaling na raw ako patutuyuin na lang ng kaunti at lalagyan ng gamot para hindi pumeklat.

Buti raw hindi ako napanot...

Kundi! Gaganda talaga ako!

Sila Papa na lang ang nagdurusa sa piling ni Mamaw. T*ngina! Minaltrato lang naman ni Mamaw ang mga dila namin. Pinagtatawanan pa nga namin si Kuya dahil akala niya masarap 'yung luto ni Mamaw. Sisisihin niya pa sana kami buti na lang pinaalala ni Mamaw na hindi naman siya nagtanong.

Panay ang tawa ni Doc Kylie kanina habang sinusulyapan si Kuya. Sinusubuan kasi sila ni Mamaw ng gulay na kasing alat ng kili-kili niya.

"Okay na po," sabi ni Doc ni Cutie Pie kay Mamaw. Tumayo si Mamaw kaya nag-agawan sina Papa sa tubig. Ang kaso, tumawa si Doc kaya nilingon sila ni Mamaw.

Huli!

"Ibaba niyo 'yan," ani Mamaw. Kaya nakangusong huminto sila Papa. "Thank you," kinamayan niya ang Doc ni Cutie Pie. "Tapos na ba ang shift mo?"

"Malapit na po," ani Doc.

"Yayayain sana kita kumain kaso napaalat yata ang niluto ko."

Napaalat daw?

Maalat talaga!

Tumawa si Doc. "Busog pa po ako, pero thank you po."

"Doc tulungan mo kami rito," sabi ni Kuya pero sinamaan siya ng tingin ni Mamaw kaya natikom niya ang bibig niya.

Lumapit ako kay Doc at niyakap siya. "Doc pwede na ba akong umuwi?" Nakangusong tanong ko. Nabobored na kasi ako rito sa ospital eh. Akala ko masaya maconfine, hindi pala.

"Hindi pa Cutie Pie," ani Doc kaya bumusangot ako para payagan niya ako. "Pero pwede ka naman mag-ikot-ikot dito, magpasama ka lang."

Nakangiti ko kaagad na tinignan ang Mamaw ko pero umiling siya kaya si Papa na lang. "Pwede?"

"Sige, sasamahan kita."

"Sus," ani Mamaw. "Hindi pwede, gusto mo lang takasan ang vegetables ko eh. Ako na ang sasama." Nginitian niya si Doc Kylie at hinatid sa may pinto.

Nakita kong nilalagay nila Papa ang vegetables ni Mamaw sa bulsa nila. Sinenyasan ako nila Kuya na 'wag maingay. Narinig ko ring inutusan ni Mamaw 'yung isang pangit na tauhan ni Papa na kumuha ng wheelchair dahil mag-gagala kami.

"Mamaw finish na!" Sigaw ni Kuya punong-puno na ang bibig niya ng lingunin ni Mamaw. Pero hindi vegetables ang laman, kundi kanin.

"Maghugas kayo," ani Mamaw bago lumapit sa akin. "Mashaket pa ba ang sugat mo?" Inayos niya ang buhok ko.

"Hindi na Mamaw."

"'Yung totoo?"

"Totoo 'yon Mamaw." Nginitian ko siya dahil nakangiti rin siya sa akin. "Mamaw?" Inilahad ko ang dalawang kamay ko. "Martes na ngayon 'di ba?"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon