🏰GLYDEL🏰
Nagmadali akong umalis sa ospital na 'yon dahil nakalimutan kong Lunes pala ngayon. Kung hindi pa tumawag sa akin si Eugene para sabihin na hindi muna siya papasok dahil may bagyo, hindi ko maaalala na papasok din pala dapat ako.
Idagdag mo pa ang pasaway na batang 'yon. Balak na naman akong dayain! Bato-bato pik?!
Bato-batoothpick kamo!
T*ngina...
Nakita ko sila Morgan na papasok na sa ospital pero hinayaan ko na sila. Kayang-kaya na nila 'yan dahil matatanda na sila. Sumakay ako sa kotse ko para umuwi, kailangan ko pa palang kausapin si Jade tungkol kay Alex.
"C*rajo!" Napamura ako sa sobrang inis. Ang dami ko ng gagawin at ngayon pa ako inatake ng sakit mo.
Katamaran...
Kahit labag sa loob ko ay nagdrive na ako pauwi sa bahay ko para magpalit ng damit. Nabigla pa ang mga tao dahil umuwi ako. Naligo ako at naghanda ng magbihis siyempre! Alangan naman lumabas ako ng nakahubad!
Ano kayo? Sinusuwerte?
Habang nagbibihis ako ay tumunog ang cellphone ko. Napangiwi agad ako ng makita ko ang pangalan ng baklang si Michael sa screen.
"Oh?!" Nag-galit-galitan ako kaagad para hindi niya ako talakan. Br* pa lang nasusuot ko eh!
"Queen G naman, bakit hindi ka pumasok?"
"Hindi mo ba alam? May bagyo! So walang pasok!"
"Kaloka ka, hindi naman tayo estudyante."
"Busy ako Michael, ikaw muna diyan tutal wala ka rin namang ginagawang kupal ka." Tumawa ang malanding bakla. Narinig ko pa ang boses nila Martha. "Bye!" Pinatayan ko na siya dahil si Jade ang uunahin ko. Hindi pa ako nakakapagsuot ng T-shirt ng tumawag naman sa akin ang Bibi ko. "Oh? Ano namang kailangan mo? D*dede ka?"
"Hindi," aniya. "Pero kung pad*dedein mo ako wala namang problema. Pabo~r na pabor sa akin 'yon." Narinig ko sa kabilang linya ang atungal ng anak kong balasubas.
"Alam ko na ang sasabihin mo Mamba. Sabihin mo diyan kay Nguso hindi na niya ako madadaan sa pa-arouch-arouch niya."
"Bunso, hindi mo na raw madadaan sa pa-arouch-arouch ang Mamaw mo." Natawa ako ng malakas dahil sinunod nga niya ang sinabi ko. "Bibi ko, umuwi ka na raw dito sabi ni Bunso. Namimiss ka na raw niya."
"Ano bang problema ng batang 'yan? Parang t*nga! Wala pa akong isang oras na nawawala! May lakad ako David, importanteng lakad."
"Bibi ko 'wag kang maglakad, sumakay ka," aniya sabay tawa kaya pinatayan ko kaagad ang queenama! Kinuha ko ang p*nty ko, makapagsalawal man lang.
Muntik ko ng maibato ang cellphone ko dahil tumawag na naman ang matandang pangit na 'yon. "Mga bwiset kayo sa buhay ko!" Hindi ko rin natiis ang matanda at sinagot din. "Ano?! Baka gusto niyo naman akong pagbihisin?! Kahit p*nty lang Bibi ko, baka pwede naman?"
Tumawa ng malakas ang kurimaw. "Sige Bibi ko, magp*nty ka muna." Binaba ko ang cellphone sa kama at nagsalawal.
Bakit ba kasi dito ako nagbibihis?
"Oh?" Inis kong tanong. Humilata muna ako sa kama dahil napagod akong mag-br*'t p*nty.
"Nakap*nty ka na ba?"
"Oo," inis kong sagot.
Inubos muna niya ang tawa niya bago nagsalita. "Ikaw na lang daw ang winner, basta umuwi ka na rito."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
Ficción GeneralBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...