🏰LUKE🏰
Hinawakan ko ang braso ni Bridgette. Ayaw niya talagang magpaawat. Nasa labas pa lang kami ng POD nanggugulo na naman.
"Bridgette, pwede bang tumigil ka na?" Nakakunot na rin ang noo ko dahil sa sobrang inis. Halo-halo na ang nararamdaman ko kanina, nakakatuwa, nakakatakot, nakakakaba at kahanga-hanga.
Ang astig niya...
Sabi ko na nga ba siya 'yung kumakatok eh. Narinig ko 'yung boses niya noong nakaraan kaya nang marinig ko 'yun sa labas kanina nataranta na ako. Kinabahan din ako dahil ako ang nagbukas ng pinto tapos nagrereklamo na siya kasi ang tagal daw.
Siya 'yung tipo ng taong mukha lang tambay at paloko-loko pero 'pag nagsimula ng sumeryeso kahit sinong g*go rerespeto.
Pagtapos ko siyang pagbuksan ng pinto at bigyan ng upuan pakiramdam ko good shot na ako. Tinawag pa akong pogi.
Nakakatawa lang...
Kanina habang nagsasalita kami tungkol sa nangyari pinili ko talagang maigi ang salitang bibitawan ko, baka kasi mabara ako eh.
Nakakatakot talaga...
Magmula rin ng makalabas kami kapansin-pansin na sobrang saya ni Audrey. Kanina hindi maipinta ang mukha niya, nakabusangot talaga. Ngayon naman mawawarat na ang labi niya sa kakangiti sa mga kasama niya. Hindi ko maintindihan kung ano 'yung sinasabi nilang 'umuwi'.
Naglayas ba siya?
May natatandaan pa akong sinabi ng Mama ni Darylle kanina...
Isang taong nagtago?
Base sa narinig ko sa Mama ni Darylle parang ibang tao nga talaga si Audrey.
Danica na nga lang muna...
Ayaw niya ng Alex baka mapagalitan pa ako. 'Yon pala ang totoo niyang pangalan. Nandoon ako noong Friday, nang sabihin niya kay Matthew ang tungkol sa bagay na 'yon.
May parte sa akin na naniniwala at may parte pa rin na hindi. Pwede rin naman kasing nagsisinungaling lang sila. Hindi ko sila kilala kaya mahirap magtiwala kahit mukha naman silang katiwa-tiwala.
Mga kaibigan ko nga tinabla ako eh, sila pa kaya?
Para na naman kaming sinargo ng biglang bumukas ang pinto. Naunang lumabas si Tito Rod and Tita Vergie. Lumapit sila kaagad kay Bridgette. Lumayo naman kami nila Mina dahil baka may pag-uusapan sila.
Lumapit kami konti kina Darylle. Nagkukwentuhan pa rin sila at nagkakanya-kanya ng tawa. Si Tita Glydel ang pinag-uusapan nila. Ginagaya pa ni Kendrick 'yung mga ginawa at sinabi ni Tita. Nakitawa na rin tuloy kami nila Guione. Hindi pa kami okay pero nagtatawanan na kami. Grabe naman kasi talaga!
Natigilan at nanahimik kami ng biglang bumukas ang pinto. Si Tita Glydel ang unang lumabas kasunod niya 'yung Mama ni Darylle. Gloria yata ang pangalan niya. Kung titignan sila hindi mo na kailangang tanungin kung magkapatid ba sila dahil alam na ang sagot. Magkamukha sila pero magkaiba ng ugali. Sa palagay ko rin si Tita Gloria ang panganay.
Lumapit sila kina Darylle na parang pinagsasabihan. Nagkatinginan naman kami nila Matthew. Nag-iwas kasi kami ng tingin. Kabilaan ang pangaralang nangyayari.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
Narrativa generaleBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...