Chapter 194: NAKILILITITI

164 5 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Tawa kami ng tawa habang pinapanood si Tito Eugene na gupitan si Alex. Siya pala si Mother Uji at mga ampon niya sina Ethan. Kanina pa sila diyan pero hindi sila matapos-tapos dahil si Alex tawa ng tawa at igtad ng igtad. Sobrang likot niyang gupitan at panay ang tili kaya hinahawakan na siya ni Tito David at ni Tita.

"Anak 'wag malikot," saway ni Tita. Nagtitili na naman kasi si Alex habang nakatabingi ang ulo.

"Nakikililiti kasi ako," sabi niya sabay tawa.

"Ano?" Kunot noong tanong ni Tita. Napalingon kaming lahat sa kanila dahil ang lakas ng tawa ni Tito David.

"NAKIKILILITI raw siya Bibi ko," sagot ni Tito.

"Anak ka ng tokwa. Anong nakikililiti? Nakikiliti!"

"Basta 'yon Mamaw," sabi niya na lang dahil nagsimula na naman siyang maglikot.

"Bunso 'wag kang malikot." Hinawakan siya ni Tito sa magkabilang balikat. Nakapikit na si Alex at tinikom ng maigi ang bibig niya.

"Aaaaaa!" Lumakas na naman ang tawa niya kaya tumawa na lang din kami.

Ang tinis ng boses niya...

"Last na," sabi ni Tito Eugene. Pinagpag na niya 'yung tela na nakapatong kay Alex. Pinulbusan at noong gagamitan na ng brush eh nagtitili na naman. "Pasaway ka..."

"Oh tapos na," ani Tita.

"Tapos na?" Tanong ni Alex. Tumango naman sila Tito. "Gusto ko pang gupitan MU. Gusto ko 'yung nakikililiti ako."

"Kung balak mong magpakalbo Alex hindi ko na sasakyan ang trip mo," inis na sabi ni Tita.

"Pero gusto ko 'yung nakikililiti."

"Nakikiliti!" Napapadyak na si Tita sa inis.

"Hayaan mo na," iniharap ni Tito si Alex sa kaniya. Nakangiti niyang pinagmasdan ang anak-anakan. "Ang pangit mo anak."

"Talaga Papa?" Tumango naman si Tito kaya nagtatalon sa saya si Alex. "Yehey! Yehey! Yehey!"

Napakamot na naman kami ni Ate sa ulo. Kung tutuusin dapat sanay na ako sa kaniya dahil ganiyan naman talaga siya pero pasaway kasi talaga eh.

"Patingin nga ng hair," tumayo si Mama at lumapit kay Alex. "Aba ang pangit nga ah."

"Mamaw isa pang gupit please," nginusuan niya na naman si Tita. "Last na Mamaw, gupit pa kasi nakikililiti ako eh."

"Sabihin mo muna nakikiliti," ani Tita.

"Nakikililiti..." Nagtawanan na naman kami dahil hindi niya na naman alam ang gagawin niya.

Tarantang-taranta na naman ang mata...

Inusod ni Kuya Reiven ang upuan palapit sa kaniya. "Baby gayahin mo si Kuya ha?" Sunod-sunod naman ang ginawang pagtango ni Alex. "Na."

"Na," panggaya ni Alex.

"Ki."

"Ki."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon