🏰ERIC🏰
"Good morning!" Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw si Ganda paglabas niya ng kuwarto niya. Naka-uniform na rin siya at bihis na bihis na. Hindi ko siya ginising kanina dahil late na sila umuwi kagabi. "Good morning!" Isa-isa siyang yumakap kina Tupe at Buknoy. "Good morning sa inyo!" Kinawayan niya kami na animo tatakbo sa halalan. Tumatango-tango pa siya. "Good morning Baby ko!" Sabi niya bago yumakap sa akin tapos kay Mother Uji naman. "MU ang ganda mo! Sobra-sobra ang kagandahang taglay mo! Ano bang klaseng mukha 'yan? Sobrang ganda, napakaganda!"
Sabay-sabay kaming nagtinginan at nagkukurap nila MU dahil sa ginawa niya. Parang nasobrahan naman yata ang isang 'to. Lumaklak siguro ng energy drink kaya hyper na hyper.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Mother Uji. Pumasok siya sa kusina at kumuha ng plato't kubyertos.
"Buso~g na ako!" Sigaw niya habang nakataas ang dalawang kamay. Humaba na naman ang nguso niya kasabay ng pagpapahaba niya sa salotang busog. "Kumain ako sa kuwarto!"
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ni Joseph. Imbes na matuwa eh parang natatakot ang mga bata sa kaniya. Papasok na talaga kami ng bigla siyang magising.
"Papasok na ako Mother Uji para maging top one ako," paalam ni Ganda. "Babay na sa inyo," sabi niya kina Tupe. "Sa 'yo rin," lumapit siya sa akin at inayos ang tie ko. "Good morning!" Narinig kong sigaw niya ng makalabas.
"Ihahatid ko lang po 'yon," paalam ko kay Mother Uji.
"Oh sige na," nakangiting tumango si MU.
Nagmadali akong sumakay sa sasakyan dahil wala na siya kaagad do'n. Ang bilis naman niyang maglakad! Palinga-linga ako sa daan para hanapin siya. Natanaw ko siyang patalon-talon na naglalakad. Nakita ko pang nakatingin siya sa linya sa sidewalk at iniiwasang apakan 'yon.
Binusinahan ko siya pero mukhang hindi niya ako narinig dahil may nakakabit sa tenga niya. Ang laki rin ng bag niya tapos may hawak pang isa. "Ganda!" Sigaw ko. Tumigil ako sa tapat niya at doon lang niya ako nakita.
"Oh?"
"Halika na, ihahatid na kita."
"Talaga?"
"Oo," binuksan ko ang pinto para makapasok siya. Tinulungan ko siyang iayos ang bag niya.
"Dali Eric," sabi niya sa akin. Pinaandar ko na ang kotse kasabay ng pagkakabit niya ng seatbelt. "Maghahanap ako ng 10 wheeler truck tapos sumingit ka sa gitna ha?"
"Ano?" Gulat kong tanong. Anong gagawin niya sa 10 wheeler na truck? Bakit kailangan naming sumingit do'n?
"Basta!" Nakangiti siyang lumingon sa dinadaanan namin.
"Ganda wala pang truck ngayon dahil may oras ang biyahe nila. Bawal sila sa umaga."
"Bakit?"
"Hindi ko alam basta ang alam ko tanghali o gabi lang sila pwedeng bumiyahe."
"Ay," bigla siyang bumusangot at ngumuso. "Sige mamaya na lang..."
"Susunduin kita ha?"
"'Wag na," aniya. Umiling pa siya kaya kinabahan ako. "Doon ako kay Papañero matutulog. Sasabay ako kay Manolo'ng pangit pag-uwi niya."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...