Chapter 56: DSLR

170 12 0
                                    

🏰ALEX🏰

"Hindi ka sasali?" Malungkot na tanong ni Sydney kay Darylle. "Hindi na lang din ako sasali."

"Sayang naman," ani Georgina. "Pero okay rin 'yon para hindi kayo mapagod."

"Mas maganda sana kung kasali kayo. Ang astig non mga te!" Halatang nadismaya si Kendrick. Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Darylle. Inasahan ko ng hindi papayag si Gloria. Hindi na ako nagpaalam kay Glydel dahil alam ko namang pagbabawalan din ako non.

Hindi naman tumututol si Glydel sa mga gusto ko, minsan lang talaga 'pag ayaw niya hindi mo siya mapipilit. At sa tingin ko hindi siya papayag dahil unang-una, maraming tao ro'n. Ikalawa, may ugali akong hindi maganda kaya siguradong mapapaaway lang ako ro'n. At ang pinakahuli sa lahat, tinatamad ako.

"Sige 'wag na lang kayo sumali. Gumawa na lang tayo ng project natin." Nilabas ni Cassey ang planner niya. "Oh ano na? Kailan tayo gagawa?"

"Next week?" Ani Kendrick habang nginangatngat ang kuko niya. "Or next next week?"

"Masiyado ng matagal kung next next week pa," sabi ni Darylle. "Last week na ng July 'yon eh."

"Ano nga pala sabi ni Miss Jelai?" Biglang tanong ni Sydney. Vacant namin ngayon dahil huwebes na.

"Wala pa naman sinasabi," ani Darylle. "Isa pa pala, kung sasali tayo ng Basketball magiging dalawa na 'yung non-academic club natin."

"Okay lang naman 'yon," saad ni Georgina. "Non-acad naman kaya okay lang at isa pa hindi naman nagkakasabay ang outreach at sports club. Katulad ngayon Sports Club ang isa sa pinakabusy na club. Ang outreach naman kasi tutulong lang sa pag-gawa ng props ng squad at pagiging water boy sa mga athletes."

"Ano? Water boy?" Tanong ni Cassey.

"Yes, uutusan kayo na magdala ng pagkain at tubig sa mga athletes. Kayo rin ang tutulong sa pag-gawa ng props ng Cheering Squad. Volunteer gano'n. Kaya nga outreach..."

"Seryoso?" Kunot-noong tanong ni Darylle.

"Oo te! Kaya nga maraming may ayaw sa outreach kasi ang dami ring pinapagawa sa kanila," sagot ni Kendrick. "Pero sa kaso niyo, hindi kayo water boy. Water girl,"  aniya sabay tawa.

Watergirl?

Naalala ko na naman...

Ang pagmumukha ng pangit na 'yon...

Kainis...

"Ang dami naman nating gagawin," reklamo ni Cassey. "Tama 'yan 'wag na nga kayong sumali. Kawawa naman kayo 'pag nagkataon."

"Kaya nga," pagsang-ayon ni Sydney. "Next time na lang tayo. Pwede naman tayong maglaro kahit hindi tayo varsity eh."

"Pero nakakamiss talaga maglaro. Kaya lang naman ako sumali noon sa Basketball dahil kay Tita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Darylle. Alam ko namang naglalaro talaga si Glydel kaya bakit parang nagulat pa ako?

"Varsity ba si Glydel ng Basketball dati?" Hindi ko alam kung varsity rin ba siya, basta ang alam ko naglalaro siya non. At magaling talaga ang pangit na 'yon.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon