🏰ERIC🏰
"Def," sabi ko kina Unique. Nakarank kasi kami ngayon para magparank up. Masiyado kaming naging busy lately kaya ngayon lang kami nakapaglaro. "'Yung top, Clarence." Ubos na ang tore namin at gano'n din sa kabila. "Wala GG," napailing ako sa panghihinayang. Nandito ako sa condo namin natulog kagabi, para hindi ako makulit ni Ate Shane. Narinig kong may nagdoorbell. "Guys wait baka nandiyan si Papa." Tumayo ako at nilapag ang cellphone ko para pagbuksan si Papa. Nagtayuan ang mga balahibo ko ng makita ko si Ate Shane!
Lagot...
Ano ginagawa niya rito?
Paano niya nalaman na nandito ako?
"Hi," bati niya sa akin. Parang gusto kong masuka ng makita ko ang suot niya. Nakashort na maong na para ng panty sa sobrang iksi, tapos nakaspaghetti strap kaya sumisilay ang dibdib.
"Ano pong ginagawa niyo rito?" Sinarado ko ng kaunti ang pinto kasi baka biglang pumasok. Napalunok ako ng mapansin kong nakatingin siya sa katawan ko.
Wala pala akong damit!
Huhuhuhu...
Napakamot ako at nagtago sa pinto. Narinig ko pa siyang tumawa. Nanakbo ako sa kuwarto at kumuha ng shirt na pwede kong suotin. Nang makalabas ako ng kuwarto ay nakapasok na siya sa loob.
Tibay...
Wala naman akong sinabi na pumasok siya...
Mas nakakatakot pa siya kay Liezel ah!
"This is for you." Inabot niya sa akin 'yung paper bag ng isang sikat na brand. "'Yan ang isuot mo mamaya ha?"
Patay na...
"Ate hindi po kasi ako makakapunta. Busy po ako."
"Busy? Eh bakit parang wala ka namang ginagawa?" Naglakad siya palapit sa akin kaya napaatras ako.
"Ate 'wag po, bata pa po ako." Pigil ko sa kaniya. Tatamaan siya sa 'kin 'pag may ginawa siyang hindi maganda. Teritoryo ko 'to kaya 'wag siyang magkakamali.
"Ano ka ba? Wala naman akong gagawin sa 'yo. Aayusin ko lang 'to." Hinawakan niya 'yung kuwelyo ng damit ko at inayos dahil nakatabingi pala 'yon. Napaigtad ako ng napunta na sa batok ko 'yung kamay niya. "Ang gwapo mo." Mahinang sabi niya.
Nanlalaki ang mata ko at nakatawang lumayo sa kaniya. "Anong oras po ba?" Nagkunwari akong abala sa pag-aayos ng couch. Umupo siya ron at nagde-otsong upo. Nangalumbaba pa kaya naipit ang dibdib niya.
Ano ba namang klaseng babae 'to?
Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?
Ang tanda niya sa akin!
"Five ang start ng party pero mas maganda kung mas maaga ka." Binuksan niya 'yung dala niyang bag at may nilapag na papel sa center table. "Here's my address, sunduin mo ako."
"Po?" Napakurap ako, mukhang wala akong kawala sa isang 'to. "Ate kasi hindi naman po ako sigurado kung makakapunta ako."
"Why?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...