🏰GLYDEL🏰
Nandito kami sa CR ni Nguso para maligo malamang, alangan naman magluto 'di ba? Kasalukuyan kong kinukuskos ang mukha niya para maalis na ang sulat doon, pero siyempre bago ko 'yon burahin pinicture-an ko muna siya.
Panakot sa daga...
Tuwang-tuwa talaga ako dahil pati si Reiven nauto ko. Akalain niyo 'yon? Hindi pa pala ako kumukupas pagdating sa acting-an?
Bwiset na Bibi ko 'yan...
Kung 'di lang ako deds na deds do'n BIBInitin ko na 'yon patiwarik ng mapunta lahat ng dugo niya sa ulo.
Napakakulit!
"Pikit na," sabi ko kay Nguso dahil babanlawan ko na 'yung mukha niyang pagkapangit-pangit. Pumikit naman siya kaya binuhusan ko muna ng tubig.
"Mamaw shower..."
"Mamaya na," sabi ko. Kinuha ko ang loofah at nilagyan ng bodywash.
"Mamaw gusto ko doon sa bathtub para may bubbles."
"Hindi na, sa bahay na ng Papa mong makunat ang b*yag." Ang sabi niya kasi gusto na raw niyang umuwi. At dahil kunsintidor ang Bibi ko, pumayag naman ang gunggong.
Uto-uto talaga...
"Pero Mamaw gusto ko ng bubbles."
"Ang kulit," inis kong sabi at pinandilatan siya ng mata. Kinukuskos ko ang hita niya. "Akala ko ba good girl ka na?" Nakabusangot na naman siya at nakanguso. "Hoy..." Pinindot-pindot ko ang pisngi niya pero hindi na naman ako pinapansin. "Bahala ka diyan maliligo na ako." Binuksan ko ang shower at tumapat doon. Sinisilip ko siya sa gilid ng mata ko.
"Hindi na ako love ni Mamaw, hindi niya ako binibigyan ng bubbles." Napapikit na lang ako dahil hindi ko siya matiis kahit na alam kong inuuto niya lang naman ako. "Hay nako..." Pinagkrus niya ang bisig. "Hindi talaga ako love ni Mamaw."
Pinatay ko ang shower at kinuha ang sabon. Kiniskis ko 'yon sa palad ko 'tsaka ako gumawa ng bilog gamit ang hinlalaki ko at ang iba ko pang daliri. Inihipan ko 'yon kaya naging bubbles pero maliit lang. "Oh!" Padabog kong inabot sa kaniya. Ngumiti ang luka at sa sobrang kaexcitedan niya ay pumutok 'yon kaya umiyak.
"Mamaw..."
"Ito na," napangiwi na naman ako dahil ang pangit niya. Wala tuloy kaming ibang ginawa kundi magbigayan ng bubbles dahil 'yon ang gusto niya. Natapos kami dahil pinagagalitan ko na siya. Lamig na lamig na kasi siya, nanginginig na at nagmumukha ng pamintang buo ang daliri niya sa pagkakulubot pero ayaw pang huminto kakabubbles.
Bwiset na bubbles...
"Mamaw pwede humingi ng favor?" Pinupunasan ko na siya dahil gusto ko lang.
"Ano na naman?"
"Pwede bang ikaw na ang magpad*de kay Umbag?"
"Bakit hindi na lang sa Papa mong makunat ang b*yag?" Hindi pa kasi pwedeng kumain ng matitigas 'yon dahil maliit pa. Ilang buwan pa lang yata 'yon kaya dapat pad*dein pa.
"Hindi pwede Mamaw."
"Bibilhan naman daw 'yon ni David ng gatas 'tsaka feeding bottles."
"Hindi Mamaw, ang sabi mas lalaki daw na malusog kapag breastfeeding."
Napanganga na lang ako. Breastfeeding? Balak niyang pad*dein sa dibdib ko 'yung anak niya?
Aba...
Put*ngina...
"Sa akin d*dede si Umbag?" Gusto ko lang naman malinawan dahil baka mali lang ako ng pagkakaintindi.
"Oo Mamaw," nakangiting sagot niya. "Malaki kasi 'yung sa 'yo eh, sa akin maliit lang. 'Tsaka walang gatas 'to Mamaw, tignan mo." Pinisil ng g*ga 'yung 'ano' niya. "Oh 'di ba walang lumabas? Patingin nga ng sa 'yo Mamaw." Hinawakan niya bigla 'yung sa akin at pinisil.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...