🏰GLYDEL🏰
Nakatayo ako sa terrace para lumanghap ng sariwang hangin. Nagngingitngit pa rin ako sa galit dahil sa ginawa ng batang 'yan. Nakakapang-init ng ulo. Buti na lang naisipan kong pumunta rito dahil kung hindi baka hanggang ngayon naghahagilap pa rin ako sa kaniya.
"Mama..." Palihim akong sumulyap sa kaliwa ko. Narinig kong tawagin niya ako pero hindi ko siya sinagot. "Sorry na..." Yumakap na naman siya sa akin mula sa likod. "Peace offering oh." Inaabot niya sa akin ang Hi-Ho na kulay blue.
"Ayoko niyan, gusto ko 'yung brown."
Kumalas siya sa pagkakayakap at nagpunta sa harap ko. "Ikukuha na lang kita."
"'Wag na..."
"'Wag ka na magalit Mama. Hindi ko na talaga uulitin. Sorry na..." Ang haba na naman ng nguso niya. Dapat nguso ang pangalan ng batang 'to eh. "Ikikiss na kita dali."
"Umayos ka nga, kung kailan ka tumanda 'tsaka ka naging isip bata." Hindi ko alam kung bakit parang nagbabago na ang ugali niya. Nagiging masayahin at mas maingay na rin kumpara noong una. Kung uto-uto siya noon parang mas uto-uto siya ngayon.
Kaya nababahala ako...
Mukhang nakakalimutan niya na rin ang mga tinuro ko, ang mga bilin ko. Ayokong maging mahina siya dahil kung paiiralin niya ang kaartehan hindi siya magtatagal dito. Pero ayos din naman ang ginagawa niya paminsan-minsan, mas okay din ang sumabay sa agos kaysa salubingin 'yon. Nakakapang-init nga lang ng ulo dahil nasayang ang gas ko. Ibabawas ko na lang 'yon sa pondo niya.
Akala niya ah...
"Bati na tayo?" Nakangiting tanong niya.
"Hmm..." Marahan akong tumango at tumingin sa malayo.
"Yehey, salamat Mama!" Yumakap siya ulit sa akin at nakangiting tumingala.
"Parang bata," bulong ko. Napangiti rin ako dahil ang kulit niya. Hindi talaga ako makaporma sa isang 'to. "Kunin mo na ang gamit mo. Uuwi na tayo, nag-aalala na sina Eugene sa 'yo."
"Pero gusto ko pa rito Mama."
"Mas gusto mo na sa mga pangit na 'yon?"
"Pangit ka rin naman eh."
"Pero mas pangit ka."
"Oh sige na nga. Ngayon lang ako mas pangit ha? Bukas ikaw na ulit."
Natawa ako dahil sa inasta niya. Hindi talaga magpapatalo sa akin 'to eh. Ngunguso 'to at iiyak ng walang luha. Ang galing no? Expert siya ro'n! Gano'n siya kagaling! "Oo na, kunin mo na ang gamit mo." Inakbayan ko siya at sabay na naglakad papasok sa loob. Nasa opisina ni Mamba ang bag niya kaya doon kami nagpunta. Wala ro'n ang matatanda, malamang nasa baba. Magkasabay din kaming bumaba ni Alex.
"Oh? Uuwi ka na?" Tanong ni Mamba sa kaniya. Nakaupo silang apat sa couch.
"Sabi ni Mama eh," sagot ni Alex.
"Kailan ka babalik?"
"Hindi na siya babalik," sabi ko. Biglang lumingon sa akin si Alex habang nakanguso. Mukhang nagustuhan niya ang matatanda. "Sa susunod na lang, 'pag wala siyang pasok."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...