Chapter 171: HEART WON'T LET ME

146 10 0
                                    

🏰REIVEN🏰

Naglalakad na kami palabas ng Gym dahil tapos na ang training. Hindi raw tuloy ang Opening ng Sports Fest bukas dahil may bagyo nga at hindi pa alam kung kailan magreresume ang klase. Ito unang beses kong a-attend ng Sports Fest bilang Coach. Hindi naman kasi ako sumasali sa Varsity noong nag-aaral pa ako. Masiyado akong abala sa pag-aaral na ultimong Sports Fest na dapat ay ine-enjoy ko ay inilalaan ko sa pag-aadvance reading.

Nagbunga naman ang paghihirap ko...

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para tawagan si Papa Mamba. Napakadaya, hindi nila ako sinama! Dapat ako rin! Hmmp!

"Papa..." Natanaw ko ang iba sa mga tauhan namin pero tinanguan ko lang sila.

"Babay Coach!" Sabi ng mga players ko.

Nakangiti ko silang tinanguan at nagmamadaling sumakay sa sasakyan ko dahil umaambon na naman.

"Python," sambit niya sa codename ko kaya kumpirmado, may operasiyon nga sila ngayon.

"Papa sama ako." Inistart ko na ang makina at pinalamig ang loob ng kotse. "Saan na kayo?"

"Paalis na kami," sagot niya. "Doon na kami sa dating lungga ng mga Buwitre magkikita nila Boa."

"Saan ba 'yon?" Hindi ko kasi alam kung saan 'yon dahil hindi ko pa nakakaharap ang mga miyembro ng Pulang Buwitre. Pero nabibilang sila sa mga kalaban ni Boa dahil inubos niya lang naman ang mga pinuno nila.

Matagal na ang Pulang Buwitre at sakit talaga ng ulo 'yang mga 'yan. Pasulpot-sulpot lang naman sila depende sa lakas at trip nila. Nanahimik nga lang talaga ang mga 'yan dahil sa sandatahang lakas ng mga orihinal na ahas!

Hindi pa ako lehitimo pero sabi ni Papa makakasabay naman daw ako.

Ako pa ba?

Mayabang din yata 'to...

Takot ang mga Pulang Buwitre sa mga ahas ni Taipan. Siya ang pinuno nila Papa. Kaso mukhang nagsisimula na naman ang mga ungas dahil alam nilang watak-watak na ang mga orihinal na ahas.

"'Wag ka na sumama anak. Bantayan mo na lang si Bunso."

Pinaandar ko na ang kotse at sinenyasan ang mga tauhan namin na sumunod. "Sila Manolo kasama?"

"Oo," aniya.

"'Ta mo 'yan," dismayado kong sambit. "Sila kasama ako hindi?"

"ReiRei, mas mabuti na 'yung nandiyan ka. Mas ligtas kayo 'pag nandiyan kayo."

"Mamamatay naman ako sa pag-aalala." Alam ni Papa na ayaw na ayaw kong naiiwan. Mas gugustuhin ko pang makita silang nakikipagbarilan kaysa maghantay sa kanila sa bahay. Kaya kahit bata pa ako talagang pinagpipilitan ko na ang gusto ko.

Kaya nga sanay na ako eh...

"Reiven, 'wag ka ng magtampo anak. Mabilis lang naman kami nila Viper."

"Oh sige na nga," pagpayag ko. "Pa ako bibili ng kotse ni Baby ha?"

"Ang sabi ko ako ang bibili ng kotse."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon