Chapter 22: HUGASIN

200 20 0
                                    

🏰ALEX🏰

Malayo pa ako pero rinig na rinig ko na rito ‘yung ingay nila Tupe. Mukhang alam ko na ang pinanonood ng mga ‘yan.

“Sige! Tambakan niyo!” Narinig kong sigaw niya.

Dumiretso ako sa loob at hindi nga ako nagkamali. Silang lahat nandoon nanonood ng NBA, pati si Eric.

Golden State Vs. Lakers

"Ate Alex tara dito," yaya ni Ethan. Tinanguan ko lang siya. Tambak naman kasi bakit ko pa panonoorin at isa pa wala naman si...

"Ate nandito si LeBron!" Sigaw ni Buknoy. Agad akong napaatras, narinig ko pa ang bungingisan nila.

"Nasaan?" Tanong ko.

"Joke lang," nag-peace sign siya.

Ngali-ngali kong ibato sa kaniya ang bag ko sa inis. Bakit nga ba ako naniwala sa batang 'to? Eh kababasa ko lang ng article kahapon, injured si LeBron!

"Alam mong ayaw ko sa sinungaling 'di ba?" Inis kong tanong. Nanahimik siya at hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Tama na 'yan. Bata 'yan," saway ni Eric.

"'Yon na nga eh, dapat hangga't bata pa dinidisiplina na. Hindi siya dapat nanloloko ng tao."

"Biruan lang naman 'yon."

"Hindi ako mahilig makipagbiruan. May tamang oras para ro'n." Tinalikuran ko sila at dumiretso sa kwarto ko. Nanghihinayang ako dahil hindi ko nahanap ang librong gusto kong basahin. Sinubukan kong maghanap sa internet pero wala may bayad din. Dolyar pa!

Maya-maya pa narinig ko na si Mother Uji na nagtatawag. Nang makalabas ako nakaupo na silang lahat ako na lang ang hinihintay.

Huminga muna ako ng malalim bago ako naupo sa tabi ni Mother Uji at Joseph.

"Buknoy? May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Mother Uji.

Napanguso si Buknoy at tumingin sa akin. "Sorry ate," aniya sabay iyak.

Parang kinurot naman ang puso ko. Nakaramdam ako ng awa dahil hindi ko naman inasahan na dadamdamin niya ang sinabi ko. Para sa akin kasi isa lang 'yung simpleng paalala para matuto siya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Kasi po galit ka eh," humihikbing aniya.

"Hindi pa kayo nasanay sa ate Alex niyo. Ganiyan lang ang ekspresiyon ng mukha niyan pero hindi naman 'yan galit eh," nakangiting sabi ni Mother Uji na hinaplos pa ang buhok ko.

"'Wag kang umiyak, nasa harapan ka ng pagkain," sabi ko.

"Opo," pinunasan niya ang mukha niya at nagsimula ng kumain.

"Siya nga pala. Noong isang araw ko pa 'to gustong itanong sa 'yo." Napasulyap ako kay Mother Uji. Bumagal din ang pagnguya ko. "Bakit ibang pangalan ang nasa ID mo?"

Nilunok ko muna ang kinakain ko tapos uminom ng tubig. "'Yon ang utos sa akin eh." Napatingin silang lahat sa akin.

"Bakit?" Tanong ni Eric.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon