Chapter 25: DISHWASHING LIQUID

177 22 1
                                    

🏰ALEX🏰

"Bakit nandito ka pa ha?" Bulyaw ko kay Eric ng makauwi ako sa bahay.

"Sorry na nga kasi. Ito na pinagluto na kita."

"Hindi na! Kumain na ako sa labas!"

"Hoy sorry na. Binibiro lang naman kita kanina eh."

"Sabi nila magbiro ka na sa lasing 'wag lang sa bagong gising.  Pero dahil nga abnormal ka hindi mo 'yon naisip."

"Eh kasi naman, inubos mo 'yung dishwashing liquid. Ang konti-konti ng hinugasan mo tapos gano'n karami ang ginamit mo."

"'Di ba sabi ko papalitan ko naman?!"

"Oh nasa'n na ang kapalit?" Nakangising tanong niya.

Nakalimutan kong bumili. Hehehe...

"Pagod na ako. Matutulog na ako!"

"Nasaan na ang dishwashing liquid?!"

"Nakalimutan kong bumili!" Sigaw ko rin.

"Bakit?!"

"Marami akong ginagawa!"

"Bakit ako ba wala?!"

"Bakit tinatanong ko ba?!"

"Hoy! Bakit nagsisigawan kayo?" Tanong ni Mother Uji. "May dishwashing liquid pa ro'n sa may cabinet."

"Kita mo na ha? Kita mo na." Tinulak-tulak ko siya. "Bunganga kasi pinanghahanap mo!"

"Eh kasi hindi pa naman dapat magbubukas ng bago kung hindi mo inubos ang dishwashing liquid kagabi!"

"Tama na sabe!" Saway ni Mother Uji. Pareho kaming hingal kakasigaw. "Dishwashing liquid lang 'yon. Hindi niyo kailangang pag-awayan."

"Doon daw kasi 'yon nagsisimula Mother Uji," biglang singit ni Tupe. "Una mag-aaway sila tapos magkaka-in-love-an na."

"Hoy! Tupe! Ayaw mo naman sigurong matulog sa labas no?" Inis kong tanong.

"Siyempre naman ate Alex malamok doon eh." Nag-peace sign siya at pumasok sa kwarto nila.

"'Wag na kayong mag-away kung ayaw niyong kayong dalawa ang matulog sa labas," ani Mother Uji. "Kayo ang matanda rito, kaya dapat kayo ang nag-sasaway sa kanila hindi 'yung kayo pa ang nag-aaway. Ang ingayo niyo nakakahiya sa mga kapitbahay at iba pang umuupa."

"Sorry po," sabi ni Eric.

"Ayoko ng maririnig na nag-aaway kayo ha? Pareho ko kayong palalayasin dito."

"Opo," sagot ni Eric.

"Sige na kumain na kayo." Pumasok na rin si Mother Uji sa kwarto niya.

"Kumain na raw tayo," ani Eric.

"Kumain ka mag-isa mo." Tinalikuran ko siya at dumiretso na sa kwarto.

Kumuha ako ng ballpen at sinulat ang salitang dishwashing liquid sa palad ko para hindi ko makalimutan. Naghilamos na ako at hindi na lumabas ng kwarto dahil alam kong mabubwiset lang ako.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon