Chapter 117: BREADSTICKS AT EGGNOG

155 8 0
                                    

🏰ALEX🏰

Gigil na gigil ako sa bola ngayon dahil iniisip ko na ulo 'yon ni Bading na nilalamog ko. Nai-imagine ko pa ngang nagsasalita at nagrereklamo si Bading eh dahil nayhihilo na raw siya. Dinribol ko ng malakas ang bola bago isinalaksak sa ring. Nanakbo ulit ako para pumila. Ngumunguya ako ng bubble gum na kapareho ng kay Pañerong Python. Ngumunguya kasi siya eh, kaya dapat ako rin.

"Okay very good!" Pumalakpak si Coach ng matapos na kami. "Ang gagaling na ng Girls ko ah."

"Yehey!"

"Yieee!"

"Siyempre!"

"Mas magaling ka Coach."

"Para sa 'yo Coach lalaban ako," ani Sydney. Pinagtinginan namin siya habang nakataas ang kilay. "Ang ibig kong sabihin, kami. Oo lalaban kami 'di ba?" Baling niya sa amin.

"Pwede namang ikaw lang, kung gusto mo talagang magsolo," sabi ko.

"Mahapdi?" Tanong ni Pañerong Python.

"Medyo," sabi ko. Hindi ako nagsisinungaling this time. Nagpapawis kasi tapos sa tuhod pa kaya ang bilis matanggal ng band aid. Sa tuwing nilulukot ko nababaklas.

"Sana lahat ng Kuya ganiyan," sabat ni Yiren. "'Yung Kuya ko kasi natutuwa pa 'pag nagkakagalos ako eh. Tapos sasabihin sa akin, ilan nahuli mo?, 'yan lang?, ge labas pa..." Panggagaya niya kay Yixing.

"Uy 'wag naman ganiyan," ani Loona. Siniko niya pa si Yiren. "Baka maturn off na si Sydney niyan."

"Uy mabait Kuya ko," biglang kabig ni Yiren. "Mabait 'yon, sweet, never akong inaway non. Ako kasi nauuna lagi eh, wala pang nagiging girlfriend 'yon ikaw pa lang 'PAG nagkataon."

"Yieeeee!" Pang-aasar namin. Sinundot-sundot ko 'yung bewang ni Sydney kaya panay ang iwas.

"Ang tanong!" Sigaw ni Jessica. "Nanliligaw ba?"

"'Yon lang," ani Yiren. "Atay tayo diyan! Na-eprot ang Ayuk ko!" Nagtawanan silang lahat maliban sa akin. Nagkunwari na lang din akong natatawa kahit hindi. Hindi ko kasi nagets eh.

"Anong na-eprot ang Ayuk?" Tanong ko kay Darylle. Hininaan ko lang para 'di nila ako asarin.

"Natorpe ang Kuya niya," sagot ni Darylle.

"Ahh..." Tumango-tango ako habang iniisip kung saan galing 'yon. Anong language 'yon? Chinese? Ay teka...

Binaliktad lang pala!

Ang bobo ko talaga minsan...

"We're one step away from the real game Girls," cool na sabi ni Pañero. "As soon as we enter the world of the Lions, we're already entering a war. It's us against the world, survival of the fittest kumbaga. We're the gasoline and they're the fire. So, always put your heart in every game para walang sisihan sa huli. 'Cause at the end of the day, whatever the result is, you're still a team. A team consisting a true players and a players that possess a spirit of a real champion."

"Aaaaaa..."

"Coach 'wag ka na mag-english," ani Yngrid. "Lalo kang gumagwapo eh." Natawa kami nila Pañero dahil kay Yngrid. Nagpapadyak siya sa kilig. "Oh 'ta mo? Tumawa pa! Pafall talaga si Coach eh."

"Coach ang gwapo mo," dagdag ni Loona. "Seryoso Coach walang biro 'yon ah."

"Kung may pagwapuhan siguro ng Coach ikaw ang mananalo," sabat ni Jessica. "Yari ka sa Sports Fest Coach, baka pagkaguluhan ka ro'n."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon