🏰DARYLLE🏰
Sobrang lakas ng tawanan namin nila Kendrick. Panay kasi sila patawa kaya kahit na pinipigilan naming tumawa natatawa pa rin kami. Naiinis pa rin ako dahil sa nangyari kanina pero kahit papaano gumaan na 'yung pakiramdam ko dahil kina Kendrick. Kinuwento nila 'yung kay Mina, hindi na ako nagulat dahil alam ko naman na siya talaga 'yon.
"'Wag kayo maingay," saway sa amin ni Eric. "Kapag ito nagising naku, yari kayo. Bumubuga pa naman ng apoy 'to." Imbes na manahimik ay lalo lang kaming natawa.
"Te ilabas mo na 'to." Kinuha ni Georgina ang tubig ni Kendrick sa bag. "Just in case na bumuga ng apoy 'yang Lola niyo, sabuyan mo nito."
"Eric ako rin inaantok baka pwede mo rin akong buhatin," biro ni Kendrick. Nagtawanan pa kami pero hininaan lang namin. Naglalakad na kami palabas ng campus.
"Kung kaya ko lang kayo buhatin lahat eh, bakit hindi?"
"Aaaa..." Sabi namin.
"Dapat pala inunahan kong matulog si Alex," sabi ni Sydney. "Eric ako naman ang buhatin mo, masakit ang paa ko." Nagpilay-pilayan si Sydney pero 'di man lang siya nilingon kaya umayos din ng lakad. "Waley ang beauty ko." Narinig kong tumawa si Eric.
"S-S-S-Sydney, si Y-Y-Y-Yixing na lang daw bubuhat sa 'yo!" Sigaw ni JC mula sa likod pero i-snobber ang beshiewap namin.
"Pa-hard to get ka ghorl?" Nakangiting tanong ni Kendrick may kasama pang tulak. "Madam Alex, baka gusto mo namang maglakad diyan? Pare-pareho lang tayo rito na napapagod pero walang bumubuhat sa amin. Lumamang ka lang naman sa akin ng konting ligo."
"Eric baka naman," pagpaparinig ni Georgina.
Nakangiting lumingon sa amin si Eric at naglakad siya patalikod. "Sino ang matapang na manggigising dito?" Sinenyas niya si Alex gamit ang ulo. "Ang makagising sa kaniya, siya ang ipapalit ko."
Nagkatinginan kami nila Kendrick. Wala akong balak gisingin 'yan dahil kaya ko pa namang maglakad. "Kapag ginising niyo 'yan baka matuluyan na kayong hindi makapaglakad," sabi ko.
"Sige maraming salamat na lang," sabi ni Kendrick. "Ayos lang 'yan, maghahanap na lang din ako ng bubuhat sa akin."
"Oo nga," sabat ni Georgina. "Marami naman diyan sa tabi-tabi. Masaya na kami sa ganito, sige lang lakad na kayo."
Nagkibit balikat lang si Eric at muling tumalikod at naglakad. Pinanood lang namin sila hanggang makalabas ng gate. Natanaw ko na si Mama na nakatayo sa may sasakyan. Magkatabi sila ni Eric ng kotse.
"Tita!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Nauna pa silang nanakbo kaysa sa akin. Nakibeso kaagad ang apat samantalang ako iniwan.
Ayos...
The last time I check, ako ang anak ni Gloria De Vera...
Napalingon sa amin ni Mama, tumaas ang kilay niya ng makitang tulog si Alex.
"Hi Ma," bati ko bago humalik sa pisngi niya.
"How's school?"
"Exhausting," sabi ko.
"Hello Tita," bati ni Eric kay Mama.
"Hello," nakangiting sagot ni Mama. "Aba, mukhang nakahanap na naman ng bagong mauuto ang isang 'yan ah." Nakatingin siya kay Alex na tulog na tulog pa rin. "Hoy!" Sigaw niya sa tenga ni Alex. "Maglakad ka! Abusada kang bata ka ah!" Nagtawanan kami nila Kendrick pero nanahimik din ng makita naming nagmulat siya ng biglaan. Ang talim ng paningin niya at dahan-dahang inangat ang ulo at tumingin kay Mama.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...