🏰ALEX🏰
Hindi kami nakatulog dahil diyan sa ilaw na 'yan. Kaya ngayon medyo madilim dito dahil pundi na pala ang ilaw kaya gano'n.
Kinombulsiyon kagabi...
'Yung ilaw!
"Kain na," sabi ni Eric. Siyempre nakahubad na naman siya. Feeling niya na naman gwapo siya.
Hindi naman...
'Pag tulog lang...
"Kuya Eric ang sarap mo talaga magluto," sabi ni Joseph. "Paturo nga ako minsan."
"Patuli ka muna," sabi ni Mother Uji kaya nagtawanan kami. Tinapos namin ang almusal namin. Nakaligo na kaming lahat at nakabihis na rin. "May mga baon pa ba kayo?"
"Meron pa po," sagot ni Ethan. "Binigyan kami ni Ate Alex kahapon eh."
"Alex, hindi ba magagalit si Glydel?" Tanong ni Mother Uji. "Baka maubos naman ang pera mo."
"Maraming pera ang Mama ko," sagot ko. "Lalong magagalit sa akin 'yon 'pag nalaman niyang sinolo ko lang lahat 'yon."
"Ang bait talaga niyan ni Glydel. Mukha lang hindi, pero 'pag naging close kayo do'n mo siya makikilala."
"MU mag-kaibigan kayo 'di ba?"
"Oo," sagot ni MU.
"Magkuwento ka naman," sabi ko. "Tungkol kay Mama."
Para may gayahan ako...
"Halika," sinenyasan niya akong lumapit. Naka-PE na ako pero hindi ko pa suot ang sapatos ko. "Susuklayan kita habang nagkukwento ako."
"Sige," nakangiting sagot ko. Tumalikod ako sa kaniya habang nakaharap sa salamin kaya nakikita ko ang mukha niya. Nakangiti siya at parang tuwang-tuwa na sinusuklayan ako.
"Noon hindi pa uso 'yang K-12 na 'yan, kaya pag-graduate mo ng high school pwede ka na mag-college. Ang eskwelahan pa lang non ay Camp Bell, Camp Bridge, Eastern and Western Valley, at Standford," panimula ni MU sa kwento niya. "Ang pinakasikat noon na eskwelahan ay Camp Bridge at Camp Bell. Halos lahat ng mayayaman doon nag-aaral, lalo na 'yung mga nagugustong maging Royal Guard. Malaki kasi ang sahod ng mga Royal Guard at isa 'yong karangalan. Nag-transfer ang Mama mo sa Camp Bridge, galing siya ng Camp Bell. Nambubully kasi ako noon kaya marami ang takot sa akin. Mas okay ng mapagalitan ako ni Papa dahil nakipagsuntukan ako kaysa pagalitan niya ako dahil bakla ako."
"Hindi ba alam ng Papa mo na ganiyan ka?" Tanong ko.
"Ngayon alam na nila pero noon walang nakakaalam kasi nga inililihim ko. Malihim talaga akong tao, ni hindi nga nila alam kung sino ang Papa ko eh. Kahit ang Mama mo hindi niya alam kung sino ang kamag-anak ko."
"Bakit naman?"
"Dahil sikat ang pamilya ng Papa ko. Mahalaga ang reputasiyon sa kanila at isang malaking kahihiyan 'pag nalaman ng mga tao na may anak siya sa labas at ako nga 'yon. Ako ang bunso sa amin dahil kabit lang naman ang Nanay ko."
"Sino ang Papa mo?"
"Secret," nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...