Chapter 4: KNIGHT IN SHINING UNIFORM

326 47 7
                                    

🏰ALEX🏰

Lumabas na si Mrs. Gracia sa room kaya lumakas na naman ang hiyawan, kantiyawan, tawanan, daldalan at ang 'di matapos-tapos na asaran.

"Nica dito!" Kumaway si Sydney. Nasa likod na sila, sa may puwesto ni Darylle. Lumabas 'yung mga katabi niya kaya bakante 'yung tatlong upuan.

Sa isang hilera kasi apat na upuan ang meron. Bale walo kung kasama 'yung kabila.

"Mamaya na lang tayong lunch bumaba," ani Sydney. "May dala akong brownies and cakes, gawa ni Mommy."

"Kain na tayo. Hindi ako nag-almusal eh." Hinihimas pa ni Cassey 'yung tiyan niya.

Binuksan na ni Sydney 'yung tupperware na dala niya. Ang dami nga niyang dala at sa tantsa ko hindi rin namin 'to mauubos maliban na lang kung talagang malakas kumain si Cassey.

"Bakit ang tagal mo kanina?" Tanong ni Darylle. "Kung tumagal ka pa ng ilang minuto yari ka na."

"Te baka gusto mo naman kaming chikahin. Magsalita ka naman! Wala namang word count eh." Tinignan ko si Cassey at nagulat siya kaya tumikhim at nagpanggap na parang walang sinabi.

"Nga pala, Danica kailangan mong gumawa ng Fb account para ma-add kita sa GC. Ikaw na lang yata wala do'n eh." Ani Darylle.

"Naku Te!" Tinapik ni Cassey si Darylle. "'Di ka ba na-inform na may Fb siya?"

Tinapunan ako ni Darylle ng tingin na may halong pagtataka at gulat. "Wala siyang Fb."

"Uy meron ah. Friend ko nga siya eh." Kinuha ni Sydney 'yung cellphone niya sa bulsa ng coat namin. Pinakita niya kay Darylle 'yung phone niya.

"Kami nga lang ni Sydney friend niya eh. Nakakaproud lang!" Buong pagmamalaking sambit ni Cassey.

"I-add mo ko," sabi sa akin ni Darylle. Hindi ko siya pinansin.

"Ah kawawa hindi ka friend," pang-aasar ni Sydney.

"Kumbaga sa chat, sineen ka lang." Ginatungan kaagad 'yun ni Cassey.

Tinignan kami ni Darylle. Sobrang sama ng pagkakatingin niya. "Ano naman? Marami naman akong friends sa Fb no!"

Nagkatinginan kaming tatlo nila Cassey. First time yata nilang nagets 'yung paraan ng pagtingin ko na may halong pang-aasar sa part ni Darylle.

"Ikaw na kasi mag-add Darylle." Inaalok sa akin ni Sydney 'yung dala niya. Kumuha ako para 'di naman awkward baka sabihin nila ang arte ko.

"No thanks," nagmamalaking sabi ni Darylle.

"Syd i-add mo na si Danica sa GC natin." Malumanay na utos ni Cassey.

"Oki! Gagawa rin ako ng GC nating apat. Ay tatlo lang pala." Tinignan ni Sydney si Darylle sabay ngisi.

Maya-maya pa nakita ko na 'yung mga GC na ginawa nila. 11-ABnorMal at BeshiWap ang pangalan. Kaming tatlo lang ang magkakasama sa GC hindi kasali si Darylle. Akala ko kanina ako 'yung hindi isasali si Darylle pala.

Bumalik na ako sa upuan ko kasi bumalik na rin 'yung mga nakaupo sa tabi ni Darylle.

"Hello!" Kinawayan ako ng VP naming bakla. "Bakit hindi ka nagsasalita?"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon