🏰ALEX🏰
Natapos ang makendeng naming practice. Nanakit ang balakang ko dahil sa kakasayaw. Ang galing-galing ko talaga, kung nandito lang si Mamaw sigurado elibs na elibs na naman sa akin 'yon. Nagpunta na kami sa canteen para sa lunch, pumwesto na ako sa ibabaw ng lamesa. Nagtinginan na naman sa akin ang mga tao.
Nagagandahan siguro sa akin no?
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Mamaw. Hinahantay ko pa sila Darylle na bumili ng pagkain. Napanguso ako ng hindi sagutin ni Mamaw ang tawag ko. Nag-ring lang 'yon kaya naisip ko na baka tulog pa siya. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ko siya tawagan pero hindi pa rin sumagot. Naisip ko na lang magcompose ng message.
__________________________________To: Mamaw
Hello Mamaw! Good afternoon! Ang pangit ko, pero mas pangit ka! Gising ka na ba? Tumatawag kasi ako eh hehehe...
__________________________________Natanaw ko na sila Darylle na papalapit kaya binaba ko na muna ang cellphone ko para kumain. Napangiti ako ng makita ko ang pagkain, parang gusto ko na kaagad 'yung kainin kaso magpepray pa kami. Habang nagdadasal ay kinu-kurutan ko ang ulam ko dahil nagugutom na ako.
Parang pati plato gusto ko ng kainin...
Nagsimula na kaming kumain. Medyo tahimik kami ngayon dahil napagod kaming sumayaw at magtawanan. Ako ang pinakanaunang natapos kaya kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Mamaw.
Hindi pa rin sumagot...
Isa pa!
Ayaw talaga...
"Paano niyo pala pipinturahan ang lobo?" Tanong ni Kendrick. Binaba ko na lang ang cellphone ko dahil baka puyat si Mamaw. Gabi na kasi kami nakauwi dahil nag-enjoy ako kagabi.
"Oo nga," ani Cassey. "Eh ang sabi ni Miss Jelai lahat daw ng students dapat manood ng dry run."
"Oo bawal hindi manood," sabat ni Georgina.
"Paano 'yan?" Tumingin sa akin si Darylle. Malamang ako ang tinatanong niya.
"Ako na lang ang magpipintura. Magpapaalam ako kay Miss Jelai kung pwede. Baka kasi mahalata tayo kung marami tayong magsestay doon," sabi ko. Ayos lang naman sa akin kasi mahihirapan kami kung ipagpapabukas ko pa. Ang sabi naman ni Cassey tuyo na raw dahil sa init at blower. Hindi rin naman nila ako matutulungan dahil hindi naman daw sila marunong non.
Ako rin naman eh...
Nagmamagaling lang ako!
Wala akong hindi kayang gawin dahil mayabang nga ako!
"Kaya mo ba?" Tanong niya.
"Kakayanin," nakangiting sabi ko. Wala naman akong choice eh. Medyo pagod na rin akong sumayaw at isa pa, naeexcite akong magpaint dahil sa mga paintbrush kong binili ni Mamaw. "Ako na magsasabi kay Miss Jelai, doon na kayo sa Gym dumiretso." Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ulit si Mamaw pero wala talaga. Ayaw sumagot...
"Bakit Alex?" Tanong ni Cassey.
"May load ka?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...