Chapter 187: UMBAG

144 7 3
                                    

🏰GLYDEL🏰

Binihisan ko kaagad ang pasaway na batang 'to matapos naming maligo. Kami na lang ni Nguso ang naglandian dahil ang sagwa naman kung kaming tatlo 'di ba?

Para kaming g*go non...

Sayang talaga 'yon...

'Di bale may gabi pa naman!

"Mamaw? Ano 'yung surprise niyo?" Kilig na kilig na naman 'to dahil sa pakulo ng tatlong itlog na 'yon. Isama mo pa 'yung panganay ko na miyembro ng tatlong pugo.

"Hindi ko alam," sabi ko. Nag-aayos na siguro ang mga pangit na 'yon sa suite ni Mamba.

"Eeeee, Mamaw sabihin mo na sa akin."

"Sige," napangiti kaagad ako dahil sa kalokohang naiisip ko. "Ibibigay ka na nila sa Ampon Bata." Nanlaki ang mata niya at pilit na isiniksik ang sarili niya sa akin. "Hindi ka raw kasi kumain ng vegetables."

"Mamaw kakain na ako, kahit 'yung luto mo pa."

"Wala na eh, kinain na ng bulsa nila Mamba."

"Hindi nila ako tinirhan?"

"Hindi, kasi ang sabi mo maalat eh."

"Hindi Mamaw, masarap kaya. Sobrang sarap, napakasarap, pinakamasarap!"

Sinungaling...

"Wala na," niyakap ko ang pangit kong anak dahil umiiyak na siya. Napangiti ako dahil nauto ko na naman siya. "Babay na Nguso."

"Mamaw!" Nagpapadyak ang anak ko habang nag-ngangarawngaw. "Ayaw ko! Promise ko good girl na talaga ako habang buhay!"

"Eh kaso, kukunin ka na nila eh. Nagandahan kasi sila sa 'yo kaya ayon, kukunin ka na raw nila."

"Hindi ako maganda Mamaw, pangit ako. Minsan lang ako maganda pero madalas pangit na."

Natawa ako ng malakas dahil uto-uto siya. Siguro kung sasabihin ko ako ang tunay niyang ina maniniwala siya. "Kaso nga, hindi ka kumain ng vegetables kanina kaya gumanda ka."

"Hindi ako maganda!" Nanakbo ang paslit sa kuwarto kaya sinundan ko.

"Nguso?" Kinatok ko ang pinto dahil nakasarado 'yon. "Nguso? Buksan mo 'to." Bigla akong kinabahan dahil baka kung ano na 'yung gawin niya. "Nguso!" Binilisan ko ang pagkatok habang pilit na sinisira 'yung doorknob. "Nguso buksan mo 'to! Hindi totoo 'yung sinabi ko! Walang Ampon Bata!"

"Mamaw sabihin mo wala ako rito!" Sigaw niya habang lalong nilalakasan ang iyak.

"Nguso, buksan mo na dali. Magagalit ako sa 'yo? 'Yung sobrang galit, 'yung pinakagalit. Gusto mo ba 'yon? Ako? Gusto ko 'yon?"

"Ayaw ko! Hindi mo na ako love kaya pinamimigay mo na ako!"

"Love kita!" Kinabahan na ako dahil baka kung anong gawin niya. Naiyak na ako bigla dahil sa kaba. "Love ka ni Mamaw! I love you!"

"Hindi! Jinojoke mo lang ako para buksan ko tapos ipamimigay mo na ako!"

"Anak hindi," napailing ako dahil kasalanan ko 'to. Hindi ko siya dapat biniro ng gano'n lalo na't sensitive na siya at sobrang bilis na niyang magtampo. Napalingon ako sa main door.

"Ready na," ani Mamba. Nakapasok na siya sa loob. "Bakit ka umiiyak?" Lumapit siya kaagad sa akin.

"Bibi ko si Bunso," sabi ko kaagad "Susi, susi," hindi na ako mapakali dahil hindi ko na naririnig ang ingay niya.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon