Chapter 35: HAPPY FIESTA

208 16 0
                                    

🏰ALEX🏰

Sobrang saya ko talaga! Akala ko mapapauwi na ako! Salamat kay Glydel na MAGANDA.

Ang galing niya kanina. Hindi ko akalain na pupunta siya. Hindi ko maitatanggi na napabilib na naman niya ako kanina. Never niya akong binigo.

Kanina habang naglalakad siya palayo, gustong-gusto kong sumigaw ng 'Thank You'. Hindi lang dahil sinalo na naman niya ako kundi dahil pinalaki niya akong ganito. Siyempre kay Gloria rin, kahit pinagalitan niya ako hindi ko magawang magalit.

Pareho lang sila ni Glydel, pero magkaiba sila ng paraan. Kaya hindi ko pwedeng sabihin na si Glydel lang ang nagpalaki sa akin dahil bago ako mapunta sa kaniya kay Gloria muna. Siya ang nagturo sa 'kin na magsulat at magbasa pero ng dumating si Glydel natutunan ko ang mga bagay na gusto kong gawin.

Kumbaga, kay Gloria ang needs at kay Glydel ang wants. Tinuruan ako ni Gloria ng tama at tinuruan ako ni Glydel ng mali. Nakakatawa pero ang totoo naguguluhan ako sa kung ano ang tama pero ng mapunta ako kay Glydel nalaman ko na. Siya ang nagturo sa akin ng mali kaya nagkaro'n ng silbi ang pagtuturo sa akin ni Gloria ng tama.

Kaya kung tatanungin ako. Kung sino sa kanila ang mas importante sa akin, pareho ko silang pipiliin. Pero hindi ko rin naman ikakaila na mas paborito ko talaga si Glydel.

Ang cool niya kasi...

Idol ko 'yun...

Sana nga siya na lang ang nanay ko. Pwede rin nga siyang tatay eh. All in one!

Naguilty nga ako dahil nakalimutan kong birthday niya pala ngayon. Maski yata si Gloria hindi naalala ang tungkol doon. Naawa tuloy ako sa kaniya pero dahil nga siya si Glydel De Vera, wala lang sa kaniya 'yon.

Padadalhan niya raw kami ng pagkain. Anong pagkain kaya 'yon? Natatakam na tuloy ako. Puro pagkain na nasa isip ko.

Rawr!

Kain na kain na ako...

Tumingin ako sa relo ko, 3 minutes pa. Kapag hinahantay talaga lalong bumabagal ang oras.

"Gutom na ako," bulong ni Kendrick habang hinihimas ang tiyan niya.

"Ako rin," ani Georgina. "Nang sabihin nga ni Tita Glydel na magpapadala siya ng pagkain doon pa lang nagutom na ako eh. Parang gusto ko ng sabihin kay Tita na ipadala na kaagad eh."

Natigilan kami ng mag-bell na. Kainan na!

"Yes!" Sigaw ni Kendrick. "Hungry na ang bebe ng Mama niyo!"

"Tara sa Guard House," yaya ni Darylle. Excited kaming tumayo para lumabas ng room. Nang makalabas kami si Guione at Matthew kaagad ang bumungad sa amin.

"Nandito kami kasi inutusan kaming magbuhat ng pagkain," ani Matthew.

"Ayokong mapilipitan ng leeg. Marami pa akong pangarap," nakangiting sabi ni Guione.

"'Yon naman pala eh. Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" Sinenyasan pa kami ni Kendrick at nanguna sa paglalakad.

"Gutom na ako," ani Cassey. "Hanggang ngayon naaalala ko pa rin si Tita Glydel. Kinikilabutan tuloy ako."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon