This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place and events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in reviews and certain other non-commercial uses permitted by copyright law.
•••
Nakarinig ako ng mahinang yabag ng paa kaya naman napamulat ako ng wala sa oras. Pinakiramdaman kong maigi ang mahinang tunog ng sapatos. Kahit hindi ko nakikita alam kong nagdadahan-dahan siya sa paglalakad.
Muli kong ipinikit ang aking mata. Naka-Indian sit ako sa kama at nakasandal ang likod sa headboard nito. Nakakrus din ang aking mga bisig.
Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto. Nakalikha ito ng ingay ngunit binalewala ko lamang 'yon. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya naman bigla kong iminulat ang aking mata. Bakas sa mukha niya ang takot at pagkagulat.
"Ahmm.." Napakamot siya sa ulo niya. Halatang kabado siya. "Hindi ka ba mag-peprepare? First day ngayon." Nahihiya niyang sabi.
Tinitigan ko siya dahilan para lalong mamilog ang mga mata niya.
"Sige, hahantayin na lang kita sa baba." Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto na animoy nakakita ng multo.
Nagsimula na akong maghanda. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis. Una kong sinuot ang mga panloob, kasunod ng pantalon, T-shirt at rubber shoes. Kinuha ko ang backpack ko at isinukbit gamit ang kanang kamay ko.
"Good Morning!" Masayang bati ni Gloria. Tinanguan ko lang siya at umupo sa upuan at nagsimula ng kumain.
Pinagtinginan ako ng dalawang anak niyang babae. Napatingin din ako kay Gloria na bahagyang nakangiti. Tila tuwang-tuwa sa natutunghayan.
"Marunong ka bang magdasal? Ni hindi ka man lang marunong bumati. Puro ka lang tango." Inis na sabi ng panganay niyang anak. Sa gilid ng aking mga mata ay natanaw ko ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Halatang inis na inis ng dahil sa aking inasal.
"Darlene!" Saway ni Gloria sa anak niya.
"I gotta go." Padabog niyang sinukbit ang shoulder bag.
"Magsabay-sabay na kayo," sabi ni Gloria, ngunit hindi man lang siya nilingon ng anak.
"Aalis na ako." Kinuha ko rin ang bag ko. "Doon na ako sa apartment ko uuwi mamaya. 'Wag niyo na akong hintayin."
"Dito ka na lang muna. Mas malapit ito sa school niyo kumpara sa tinutuluyan mo."
"Magaling na ako. Wala ka ng dapat ipag-alala. Alagaan mong mabuti ang mga anak mo. Turuan mo ng mabuting asal. Masiyado silang bastos, lalo na 'yung panganay mo."
"Sige." Tumango siya at nagbaba ng tingin. "Pasensiya na."
"Ayos lang, kasalanan ko rin naman." Bahagya akong nakunsensiya ng dahil sa inasal ko. Pero tama lang 'yon kaya hindi na ako dapat mangamba.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...