LYN SISTERS
CHAPTER THREE
"THE THIRD DAUGHTER"SA ISANG BAHAY AMPUNAN.
Nagsasayaw ang mga bata habang tinuturuan sila ni MARIELYN. Isang masayahing dalaga na doon na rin lumaki sa ampunan.
Lumapit ang taga pag alaga nila kay Marielyn.
Delia: Marielyn, pwede ba kitang makausap sandali?
Marielyn: Sige po Nay Delia.
Nagpaalam muna siya sa mga bata.
Marielyn: Oh mga bata mamaya muna ulit ha? Magsayaw muna kayo diyan, mag uusap lang kami ni Nay Delia.
Mga Bata: Opo Ate Marielyn!
MAGKA USAP NA SINA DELIA AT MARIELYN SA ISANG KWARTO.
Delia: Napag isipan mo na ba ang sinabi sa'yo nung nagpakilalang tiya mo?
Marielyn: Nay Delia, alam niyo naman po na ayok0 pong lisanin ang ampunan eh.
Delia: Pero kung totoo nga na may ama ka pa eh dapat doon ka na tumira hindi ba?
Marielyn: Nay Delia, okay na po ako ito.
Delia: Sigurado ka ba? Alam mo kasi mas mapapaganda ang magiging buhay mo doon. Lalo pa at napakayaman daw ng ama mo. Don Chito Villaviceño daw ang pangalan. Isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Maraming negosyo mga negosyo at ari-arian. Kung sa kanya ka titira syempre magiging mayaman ka na rin dahil anak ka niya.
Nanlaki ang mga mata ni Marielyn
Marielyn: Na-napaka yaman?
Delia: Oo! Bilyonaryo daw si DON CHITO VILLAVICEÑO!
Marielyn: Ah Nay Delia, saglit lang po ah? Maiwan ko na po muna kayo.
Delia: Saan ka pupunta? Babalikan mo na ba yung mga bata?
Marielyn: Hi-Hindi ho. Mag e-empake lang po ako ng mga gamit! Hahanapin ko ho ang tatay ko at doon na ako titira! Sige ho (exit).
Naiwan si Delia, Napanganga.
Delia: Ang bilis magbago ng isip ah?
••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.NASA LABAS NG GATE SI MAUILYN KASAMA ANG KAIBIGANG SI DANIELA.
Daniella: Hay nako mabuti nalang talaga at pinapasok tayo ng guard kanina! Iba talaga kapag mayayaman eh sobrang secured! Mabuti nalang at nauto natin at nabighani sa kagandahan mo!
Pinagmamasdang mabuti ni Mauilyn ang labas ng mansion ng mga Villaviceño.
Mauilyn: Dito na nga ang bahay ni Don Chito Villaviceño.
Daniella: Wow sis! In all fairness, Super laki! Ang yaman pala talaga ng Daddy mo!
Nag door bell siya Mauilyn.
Si Yaya Onessa ang nagbukas ng gate.Onessa: Senu pu sela?
Maui: Ah Nandiyan po ba si Don Chito Villaviceño? Pwede ko po ba siyang makausap?
Onessa: Naku eh nasa opes napu siya kanena pa ih. Senu pu ba sela? Anung kaelangan nenyu kay Don Chetu?
Mauilyn: Ah anak po kasi ako ni Chenelyn Ramos.
Onessa: Aguy! Si Chinilen Ramus ba kamu? Naku Idul ko yun ah! Ang sixy at ang ganda neya noon kaso nalaos na ih!
Biglang lumabas si Kendralyn.
Kendralyn: Manang Onessa, sinong——
Napatingin siya kay Mauilyn.
Kendralyn: And who the hell are you? At paano kayo nakapasok sa subdivision? Exclusive ito kaya hindi kayo pwedeng basta basta pumapasok dito! Sinong nagpapasok sa inyo?
Mauilyn: Ah eh...
Kendralyn: Never mind! Sino kayo? Bakit kayo nandito?
Mauilyn: Ako si Mauilyn. Anak ako ni Chenelyn Ram0s kay DON CHITO VILLAVICEÑO!
Kendralyn: What?!!
Biglang tumawa ng malakas si Kendralyn.
Kendralyn: Ahahahaha! Ikaw? Anak ni daddy? Hahahahahaha! Nagpapatawa ka ba? Ambisy0sa!
Mauilyn: (Kumunit ang noo) Bakit? Sino ka ba?
Kendralyn: Ako lang naman ang nag iisang anak ni Don Chito Villaviceño! Kaya if I were you, umalis ka na dito dahil kung hindi tatawag ako ng guard at ipapakaladkad kita palabas ng subdivision na ito!
Nagkatinginan sila ng masama.
Mauilyn: Hindi ako aalis dito hangga't hindi dumadating si Daddy!
Kendralyn: Ah ganon?
Itinulak ni Kendralyn si Mauilyn at napaupo ito.
Mauilyn: Ahhhhh!!!
Daniella: Sissy! Okay ka lang?
Kendralyn: Yaya Onessa, isarado mo na ang gate at baka magpumilit pa yang pumasok! Tawagin mo na rin ang guard para mapakaladkad na yan palabas!
Onessa: Opu Senyorita Kindralen.
Pumasok na si Kendralyn sa loob.
Onessa: (Tumingin kay Mauilyn) Pasinsiya ka na ha? Napag otosan lang.
Isinara na ni Manang Onessa ang gate.
Walang nagawa sina Mauilyn kundi ang umalis.
Sa kotse, magkausap sila ni Daniella.
Mauilyn: (Driving) Bwisit siya! Humanda sa akin yung babaeng yun! Sa oras na makilala ko na ang daddy ko at makapasok ako sa mansion na 'yun gagantihan ko siya! Hindi pewdeng siya lang ang makinabang sa pera ni Don Chito dahil anak din ako!
Daniella: Well sissy, you better do it asap! We need to find ways para magkausap na kayo ng daddy mo!
Hindi napansin ni Mauilyn na may tumatawid at muntik na niya itong masagasaan.
Mabuti na lang at nai-preno niya agad ang sasakyan.
Daniella: (Gulat na gulat) OMG! Sis! Muntik na siya!
Mauilyn: LECHE!
Bumaba ito at tinalakan ang babaeng tumawid—— Si Marielyn.
Bumaba din si Daniella.
Mauilyn: Ano ka ba?!!! Kung magpapakamatay ka huwag mo kaming idamay! Ayokong makulong noh! Tatanga tanga ka!
Marielyn: Pasensiya na po. Nagmamadali lang po kasi ako eh.
Mauilyn: Wala akong pakialam kung nagmamadali ka! Istorbo!
Mauilyn: Let's go Daniella!
Papasok na sina Mauilyn at Daniella sa kotse.
Marielyn: Sandali!
Mauilyn: (Napalingon) Bakit!?
Marielyn: Nakita ko kasi na lumabas kayo sa subdivision. Magbabaka sakali lang baka alam niyo kung saan yung mansion ng mga Villaviceño? Pupunta kasi ako dun eh. Kailangan kong makausap yung tatay ko si Don Chito!
Natigilan si Mauilyn at nagkatinginan sila ni Daniella.
Marielyn: P-Pero kung nakakaistorbo na ako, sige okay lang. Pasensiya na ulit.
Tumakbo palayo si Marielyn.
Sinundan siya ng tingin ni Mauilyn.Mauilyn: Anak din siya ni Don Chito? Ang dami ko naman palang kahati.
Daniella: Good luck! Nakakaloka yang daddy niyo ah! Mukhang matinik sa chics!
Mauilyn: Let's go.
Sumakay na ulit sila sa kotse at umalis.
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?