LYN SISTERS
CHAPTER ONE HUNDRED SIX
"THE PROPOSAL"VILLAVICEÑO MANSION.
NAGSASALITA SI JENNY.Jenny: Magandang gabi po sa inyong lahat. Masaya po ako na makita kayo ngayong gabi sa napaka espesyal na pagdiriwang na ito. Alam ko po na biglaan ang pag imbita namin sa inyo kaya nagpapasalamat po kami na nakadalo pa rin kayo. Ako po si Jenny, ang long lost daughter po ni Don Chito Villaviceño. Matagal na panahon po akong nawalay sa kanya dahil lumaki ho ako sa aking ina at kailan ko lang po nalaman ang katotohanan tungkol sa aking ama. Masayang masaya po ako dahil sa wakas nakilala ko na siya.
SA TABLE NINA TASHA.
Miki: Oh Em Gee! Si Jenny nga!
Tasha: Josh, alam mo ba ito?
HINDI SUMAGOT SI JOSH.
Tasha: Bakit mo nilihim sa amin? Kung alam ko lang na yang si Jenny the ewww ang nag invite sa atin edi sana hindi na ako sumama!
Josh: Tasha, sorry pero si Jenny ang may gustong imbitahan ka.
Tasha: And then what? Para ano? Para ipamukha sa akin na mayaman na siya ganun? Akala ba niya maiinggit ako sa kanya?
Miki: Friend, relax! Malay mo naman gusto ka lang niya talagang i-friend diba Josh?
Josh: Oo nga.
HINDI NA UMIMIK SI TASHA.
PATULOY SA PAGSASALITA SI JENNY.
Jenny: Gusto ko pong magpasalamat sa pamilya ko sa pagtanggap nila sa akin sa buhay nila. Lalong lalo na po kay Daddy, kay Tita Chenelyn, Kay Ate Kendralyn, Ate Mauilyn at Ate Marielyn. Gusto ko pong malaman ninyo na masayang masaya ako na nakilala at nakasama ko na kayo. Nagpapasalamat din po ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na makilala ko kayo. Ito na po ang pinaka masayang sandali na nangyari sa buhay ko kaya gusto ko pong ipagdiwang ito kasama kayong lahat. Sana po ay mag enjoy kayo sa party na ito. Salamat po.
NAGPALAKPAKAN ANG MGA TAO.
LUMAPIT SINA KENDRALYN AT MARIELYN KAY JENNY AT NIYAKAP SIYA.MASAYA SI DON CHITO HABANG NAKATINGIN SA TATLO. NAPATINGIN SIYA KAY MAUILYN AT TINAWAG ITO.
Don Chito: Mauilyn, anak halika dito samahan mo kami ng mga kapatid mo.
SA TABLE NINA MAUILYN.
Becky: Mauilyn, lumapit ka na dun.
Daniella: Oo nga sissy.
Louie: Sige na Mauilyn.
TUMAYO SI MAUILYN AT LUMAPIT SA TATLONG KAPATID AT NAKIYAKAP ITO PERO PALIHIM NA UMIRAP.
Don Chito: Bweno, kagaya nga po ng sinabi ko kanina, may mahalagang bagay pa po akong gustong sabihin sa inyo. Lingid naman po sa inyong kaalaman na malapit na akong ikasal noon kay Camelia, ang nasira kong nobya. Pero dahil nga sa nangyari ay hindi na natuloy ang aming kasal. Hanggang sa nagkaroon ng napakaraming pagsubok ang dumating sa aming pamilya. Pero sa kabila ng mga nangyari ay may isang babae ang muling nagbalik sa buhay ko. Isang babaeng tumulong sa akin upang gumaling ako agad. Isang babaeng nanatili sa tabi ko hanggang sa tuluyan akong lumakas. Gusto ko pong ipakilala sa inyo ang babaeng muling nagpatibok ng aking puso.
NAGTATAKA SINA KENDRALYN AT MARIELYN.
Don Chito: Ladies and Gentlemen, ang babaeng minamahal ko at ina ng isa ko pang anak na si Mauilyn, the lovely Chenelyn Ramos.
NAGBULUNGAN ANG MGA BISITA.
"Si Chenelyn Ramos?"
"Siya ba yung dating sexy star?"BUMABA SI CHENELYN SA HAGDAN HABANG INAALALAYAN SIYA NI LUISA.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?