CHAPTER SEVENTY FOUR (SLAVE)

36 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER SEVENTY FOUR
"Slave"

NAKAUWI NA GALING CEBU SINA LADY VERA, AGATHA AT WINSTON.
KAUSAP NILA SI MARIELYN.

Marielyn: Inay, mabuti naman po at okay na kayo. Nag aalala po ako eh.

Lady Vera: (Ngumiti) Sa awa ng Diyos, hindi naman ako napuruhan.

Agatha: Siguro wala naman talagang balak ang mga holdaper na patayin kami pero sinaktan pa rin nila si Lady Vera! Mga walang hiya!

Marielyn: Ano palang sabi ng mga pulis dun?

Winston: Nakausap ko ang mga pulis bago kami lumipad pabalik dito, ang sabi nila mukhang mahihirapan silang i-trace ang mga holdaper na yun dahil mukhang mga bihasa sila.

Marielyn: Hayyy... Paano na yun?

Lady Vera: Hayaan nalang natin. Tutal naman ayos na ako at nakauwi na. Ipagpasa Diyos nalang natin ang lahat at sana hindi na sila makapang biktima pa ng iba.

Agatha: May karma din ang mga yun.

Marielyn: Siya nga pala Inay, may gusto po sana akong ikunsulta sa inyo at sa iyo na rin kuya.

Lady Vera: What is it, anak?

Winston: Tungkol saan?

Marielyn: Tungkol kay daddy.

Lady Vera: Anong tungkol sa daddy mo?

Marielyn: Nakausap ko po kasi si Ate Kendralyn at sinabi niya sa akin na kung pwede bumalik na si daddy sa mansion at siya nalang daw po ang mag aalala sa kanya.

NAGKATINGINAN SINA WINSTON AT LADY VERA.

Marielyn: Sinabi naman po niya na pwede kong dalawin si Daddy doon araw araw eh.

Lady Vera: Nasa iyo ang desisyon anak. Kinuha lang naman natin ang daddy mo noon dahil nakulong sina Alyn at Kendralyn at walang mag aalaga sa kanya sa mansion nung mga panahong yun.

Winston: Tama si Mommy. Ikaw ang magdedesisyon niyan at kung ano man ang maging desisyon mo eh susuportahan na lang namin.

Marielyn: (Ngumiti) Ang ibig niyong sabihin, hindi niyo tututulan yung gusto ni Ate Kendralyn?

Lady Vera: Hindi anak. May karapatan naman siya sa daddy niyo diba? Isa pa, wala naman akong nakikitang masama sa gusto niyang mangyari.

Winston: Wala na rin namang banta sa buhay ng daddy niyo and I'm sure hindi naman sasaktan ni Kendralyn ang daddy niyo eh diba?

Marielyn: Salamat Inay, Kuya. Siguradong matutuwa si Ate Kendralyn at matutuwa din si Daddy kapag nalaman niya na babalik na siya sa mansion niya.

NGUMITI SINA WINSTON AT LADY VERA.

•••••••••••••••••••
SA ISANG COFFEE SHOP.
NANDOON SINA KENDRALYN, CHELSEA AT PIA.

Chelsea: Sa tingin mo, papayag ang mommy at kuya ni Marielyn?

Kendralyn: I hope so.

Pia: Actually, mas pabor pa nga sa kanila yun diba? Kasi mababawasan yung kargo nila.

Chelsea: True.

MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI KENDRALYN. SI MARIELYN ANG TUMATAWAG.

Kendralyn: (Sinagot) Hello, Marielyn?

Marielyn: (Kabilang linya) Ate, good news! Pumayag sina Inay at Kuya na bumalik na si daddy sa mansion!

Kendralyn: (Natuwa) Really? Oh my God! Thank you Marielyn! Pakisabi na rin sa inay at sa kuya mo na salamat!

Marielyn: Sige, makakarating. Bukas na bukas, ihahatid ko na si daddy sa mansion.

Kendralyn: Okay! Sige! Salamat! Bye!

END CALL.

Chelsea: So, it seems pumayag ang family ni Marielyn na makuha mo na ang daddy mo?

Kendralyn: Yes! Pumayag sila! I'm so happy!

Pia: Well, mukhang hindi na sila galit sa'yo ah?

Kendralyn: I hope so (Sabay sip sa kanyang frappe).

••••••••••••••••
GABI

CEBU.
SA HOTEL NA TINUTULUYAN NINA  ROLANDO AT DOÑA ALYN.
NAG UUSAP SILA HABANG UMIINOM NG ALAK.

Rolando: Nakabalik na daw sa Manila sina Bertalyn. Sinundo siya ng anak niyang si Winston.

Doña Alyn: Hmmm... Sigurado akong naging memorable ang pag stay niya dito sa Cebu! Hahaha! Kamusta naman ang mga tauhan natin? Sigurado akong nag report na ang mga yun sa mga pulis.

Rolando: Don't worry about them. Hawak namin ang mga pulis dito kaya walang mangyayari sa reklamo nila.

Doña Alyn: Yan ang gusto ko sa'yo Rolando, marami kang koneksyon! Ibang iba ka na talaga ngayon! Hindi na ikaw ang dating busabos na si Lando!

Rolando: Talagang ibang iba na ako ngayon Alyn.

HINAWAKAN NIYA SI DOÑA ALYN SA BEWANG AT HINATAK PALAPIT SA KANYA AT INILAPIT ANG MUKHA NIYA SA MUKHA NITO.

Doña Alyn: (Nailang) Ano bang ginagawa mo Rolando?

Rolando: (Hinalikan si Doña Alyn) Akin ka na ngayon Alyn at hindi mo na ako matatanggihan!

NAILANG SI DOÑA ALYN AT NAITULAK SI ROLANDO.

Doña Alyn: Marami ka ng nainom Rolando. Lasing ka na yata?

Rolando: Marami akong nainom pero hindi pa ako lasing, Alyn. Pagbigyan mo na ako kahit ngayong gabi lang.

PINIPILIT HALIKAN NI ROLANDO SI DOÑA ALYN PERO UMIIWAS ITO.

Doña Alyn: Rolando, tsaka na lang. Hindi ba't napag usapan na natin ito? Babawi ako sa'yo kapag nakapaghiganti na ako kina Bertalyn! Papakasalan kita at doon pwede mo na akong angkinin!

Rolando: Hindi ko na mahihintay yun Alyn! Gustong gusto na kitang maangkin! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Please, pag bigyan mo lang ako!

SINUNGGABAN NI ROLANDO SI ALYN. HINAWAKAN NITO ANG MAGKABILANG KAMAY NITO.

Doña Alyn: Rolando, ano ba?

MASYADONG MALAKAS SI ROLANDO KAYA HINDI MAKAPALAG SI DOÑA ALYN.
DESIDIDO NA SI ROLANDO NA MAANGKIN ANG BABAENG MATAGAL NA NIYANG PINANGARAP. HINDI NA SIYA PAPAYAG NA TUMANGGI PA SI ALYN. GINAMIT NIYA ANG KANYANG LAKAS UPANG HINDI NA MAKALABAN SI ALYN. PINILIT NITONG HUBARIN ANG SUOT NI DOÑA ALYN AT HINALIKAN ITO SA BALIKAT.

Rolando: (Inaamoy amoy niya si Doña Alyn) Akin ka na ngayon Alyn. Masyado na akong maraming naitulong sa'yo at ito lang ang hinihingi kong kapalit kaya huwag ka ng tumanggi sa akin!

Doña Alyn: Rolando please... Huwag mong gawin ito!

PARANG ASONG NAUULOL SI ROLANDO. SOBRANG SABIK SIYA AT HINDI SIYA MAKAYANG ITULAK NI DOÑA ALYN.
NASA SAHIG NA SI DOÑA ALYN AT NAKAPATONG SA KANYA SI ROLANDO.
NAPALUHA SI DOÑA ALYN DAHIL HINDI NA SIYA MAKAPALAG SA GINAGAWA SA KANYA NI ROLANDO.

Rolando: Mahal na mahal kita Alyn! Akin ka lang! Akin!!!

NAWALAN NA NG LAKAS SI DOÑA ALYN DAHIL NA RIN NAKAINOM NA SIYA AT TALAGANG MALAKAS SI ROLANDO KAYA NAGPAUBAYA NA SIYA KAHIT LABAG SA LOOB NIYA. SA ISIP NIYA AY ISINUSUMPA NIYA SI ROLANDO DAHIL SA PAMBABABOY NA GINAGAWA NITO SA KANYA.
PERO WALA SIYANG MAGAWA DAHIL ANG TAONG ITO ANG TUMUTULONG SA KANYA KAYA TITIISIN NA LANG NIYA ANG LAHAT AT MAGPAPA ALIPIN SA NGAYON NGUNIT HINDI HABANG BUHAY.

Doña Alyn: (SA ISIP) Hayop ka Rolando, may araw ka rin sa akin. Sa oras na makuha ko na lahat ng gusto ko ay didispatsahin din kita!

PATULOY SIYA SA PAGLUHA HABANG GINAGAWA NI ROLANDO ANG LAHAT NG NAIS NITONG GAWIN SA KANYA.

ITUTULOY....

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon