CHAPTER THIRTY THREE (HIDDEN CAMERA)

56 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER THIRTY THREE
"Hidden Camera"

KINABUKASAN.

SA KWARTO NI MAUILYN. PINAPANOOD NIYA ANG VIDEO NA NAKUNAN NG HIDDEN CAMERA SA KWARTO NI DONA ALYN SA KANYANG LAPTOP.

Mauilyn: Sinasabi ko na eh. Nagbalik ka lang dito dahil may plano kang kamkamin ang kayamanan ni Daddy!!! Humanda ka dahil isusumbong kita kay daddy! Hmmmm...

SA KWARTO NAMAN NI KENDRALYN.
MAY HINAHANAP SIYA SA KANYANG KWARTO NG MAKITA NIYA ANG HIDDEN CAM NA INILAGAY NI MAUILYN.

Kendralyn: Ano kaya ito? (Kinuha). Hidden camera? Bakit may ganito dito?

AGAD KINAUSAP NI KENDRALYN ANG MOMMY NIYA AY SINABI NIYA DITO ANG NAKITA NIYA.

Doña Alyn: Sino naman kayang maglalagay niyan sa kwarto mo?

Kendralyn: Isa lang naman ang pwedeng gumawa nun eh. Si Mauilyn!

Doña Alyn: At bakit naman niya gagawin yun?

Kendralyn: Yun ang dapat nating alamin mommy!

SA KWARTO NI MAUILYN.
KAUSAP NIYA ANG TITA BECKY NIYA SA PHONE.

Mauilyn: Yes Tita Becky, may hawak na akong ebidensiya na makakapagpabagsak sa Alyn na 'yan! Mamaya pagdating ni daddy, ipapakita ko ito sa kanya.

Becky: (Kabilang linya) Eh paano naman yung nasa kwarto ni Kendralyn?

Mauilyn: Tiye tiyempohan ko lang na umalis siya tsaka ko kukunin sa kwarto niya ang hidden camera na nilagay ko dun. Humanda silang mag ina dahil mapapalayas sila sa mansion na ito sa oras na mapanood na ni daddy ang mga nakunan ng hidden camera na ito. Hahahaha!!!

Becky: Magaling talaga ang naisip mo Hija!

Mauilyn: Ako pa? Hmmmm...

NAKIKINIG PALA SINA KENDRALYN AT DOÑA ALYN SA LABAS NG PINTO NG KWARTO NI MAUILYN

NAGKATINGINAN SILA.

Doña Alyn: Walang hiya talaga yang Mauilyn na yan!

Kendralyn: Anong gagawin natin mommy?

Doña Alyn: Ako na ang bahala!

°°°°°°°°°°°°°°°°°
SA BAHAY NI ALMA.
MATAPOS SIYANG KAUSAPIN NI LADY VERA AY PINAUWI SIYA AGAD NITO. PINAG EMPAKE NIYA ANG KANYANG ANAK AT PINAGMAMADALI.

Josie: Saan ba tayo pupunta Mama?

Alma: Basta! Huwag ka ng magtanong! Kailangang makaalis tayo agad dito!

Josie: May pinagtataguan na naman kayo ano? Mama naman, itigil niyo na kasi ang pang i-scam!

Alma: Manahimik ka nga diyan. Tayo na!

NAGMADALI SILANG UMALIS.

°°°°°°°°°°°°°°°°°
SA BAHAY NINA WINSTON.
PAALIS SIYA. NAGPAALAM SIYA SA KANYANG INA.

Lady Vera: Gustong gusto ko ng makita at mayakap ang kapatid mo Winston.

Winston: Huwag po kayong mag alala mommy darating din po ang araw na 'yun. Sa ngayon, hayaan nalang muna natin na kumilos si Tiya Alma. Siya ang dapat na magsabi kay Madelyn na tayo ang pamilya niya. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang lahat, hindi ko pa po magagawa yun dahil baka masira lang ang mga plano natin laban sa mga Villaviceño.

Lady Vera: (Napapaluha) Hindi na ako makapaghintay.

Winston: Malapit na Mommy. Makukuha din natin si Madelyn.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
PAALIS NG MANSION SI KENDRALYN. BIHIS NA BIHIS ITO.
NAKITA SIYA NI MAUILYN.

Mauilyn: Uy, Sis. Mukhang may lakad ka ah?

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon