LYN SISTERS
CHAPTER ONE HUNDRED
"SULSOL"SA ISANG MALL.
TAPOS NG MAG SHOPPING ANG PAMILYA VILLAVICEÑO AT NGAYON AY KUMAKAIN NA SILA SA ISANG FINE DINE RESTAURANT.
SARAP NA SARAP SI JENNY SA MGA PAGKAIN AT HALOS SUNOD SUNOD ANG PAG SUBO NITO.Jenny: Ang sarap po talaga ng mga pagkain dito. Ngayon lang po ako nakatikim ng ganitong mga pagkain.
Don Chito: Hahaha, sige lang anak kumain ka ng kumain.
Marielyn: Oo nga Jenny, kainin mo lahat ng gusto mo.
Kendralyn: From now on, lagi ka ng makakakain sa mga ganitong klaseng restaurant.
Jenny: Naku, parang masyadong magastos naman yata 'yun kung lagi hehehe. Ang mamahal ng mga pagkain dito eh. Parang ka presyo na ng isang cellphone.
Mauilyn: Well, can afford naman natin right? So you can always eat here anytime you want.
Jenny: Kaya lang hindi naman porket may pera tayo pwede na tayong gumastos ng gumastos diba? Ako, sanay naman ako na kumain kahit sa mga karinderya lang eh. Ang mahalaga malamanan itong tiyan ko.
Don Chito: Nakakatuwa ka talaga anak. Tama siya, hindi porket kaya nating bumili ng mga mamahaling bagay o pagkain eh bibili na tayo lagi.
HINDI NA UMIMIK SI MAUILYN.
Chenelyn: Anyway, Jenny. Yung Inay mo at kapatid mo, hindi ka ba nila dadalawin? Nasabi mo na ba sa kanila ang naging resulta ng DNA test mo?
Jenny: (Nalungkot) O-Opo Tita Chenelyn, alam na po nila.
Marielyn: Bakit parang malungkot ang tono mo Jenny?
Kendralyn: Oo nga. Ano bang sabi nila?
Jenny: Umalis na po kasi sila eh at hindi ko po alam kung saan sila pumunta.
Don Chito: Ano? Umalis sila?
Jenny: Ang sabi po sa akin nung kakilala ko kung saan sila nakatira eh umalis na daw po sila doon. Nag iwan lang daw po ng sulat ang kapatid ko. Ang sabi nila ayaw daw po muna nilang guluhin ako.
NAPALUHA SI JENNY.
Kendralyn: I'm sorry to hear that Jenny. Siguro gusto ka lang nilang bigyan ng chance to spend more time with us.
Chenelyn: Tama si Kendra. I'm sure magpapakita din sila sa'yo. Baka nalulungkot lang din sila dahil nahiwalay ka sa kanila at gusto nila na masanay na muna kayo na malayo sa isa't isa.
Jenny: Sayang lang po dahil hindi ko man lang sila nakita bago sila umalis. Gusto ko pa naman silang pakainin ng mga ganitong klaseng pagkain. Gusto kong maranasan din nila ang mga nararanasan ko ngayon.
Don Chito: Huwag kang mag alala anak, ipapahanap ko sila.
Jenny: Talaga po daddy? Hindi niyo po sila pipigilang makita ako?
Don Chito: Bakit ko naman gagawin 'yun? Malaki ang utang na loob ko kay Vangie dahil inalagaan ka niya. Kailangang makabawi man lang ako sa kanya.
Jenny: (Ngumiti) Salamat po daddy.
NGUMITI SINA MARIELYN AT KENDRALYN.
NAKATINGIN NAMAN SI MAUILYN KAY JENNY NA PARANG KINIKILATIS ANG PAGKATAO NITO.Mauilyn: (Sa isip) Mabait ka ba talaga o nagbabait baitan ka lang? Hmmm... Bakit hindi ko magawang maniwala sa mga pinapakita mo?
••••••••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.
NAKAUWI NA SILA.SA KWARTO NI JENNY, KAUSAP NIYA SI DOÑA ALYN SA CELLPHONE.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?