CHAPTER THIRTY TWO (The Revelation)

48 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER THIRTY TWO
"The Revelation"

SA KWARTONG PINAGKUKULUNGAN KAY ALMA.

Alma: Sino ka? (Kay Lady Vera).

Lady Vera: Nasaan ang anak ko? Saan mo siya dinala?

Alma: A-Ano bang sinasabi mo? Anong anak? At saka sino ka ba talaga?

Lady Vera: Hindi mo ba talaga ako nakikilala ha Ate Alma?!!!

Alma: (Nabigla) I-Ikaw? Be-Bertalyn? Ikaw nga ba 'yan?

Lady Vera: (Napaluha) Ako nga!

Alma: Bertalyn! Diyos ko!

YAYAKAPIN NI ALMA SI LADY VERA PERO UMIWAS ITO.

Lady Vera: Sabihin mo sa akin, nasaan ang anak ko? Nasaan si Madelyn??!!!

Alma: (Hindi makaimik) A-Ano kasi...

Lady Vera: SUMAGOT KA!!!!

Alma: Nandun na siya sa ama niya! Kay Don Chito!!!

Lady Vera: Anong sinabi mo? Paano nangyari 'yun?

Alma: Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat.

*FLASH BACK*

Nung makulong si Bertalyn sa salang pagpatay sa Mommy ni Chito ay tsaka lang niya nalaman na buntis pala ito. Ipinanganak ni Bertalyn ang anak nila ni Chito sa kulungan at makalipas ang ilang linggo ay ibinilin niya ito sa kanyang step sister na si Alma. Ayaw na ni Bertalyn na malaman pa ito ni Chito dahil galit na galit siya dito.
Nalaman ni Doña Alyn na nagkaanak si Chito kay Bertalyn kaya agad niyang kinausap si Alma. Binayaran niya ito ng malaking halaga para ilayo ang bata. Dinala ni Alma ang anak ni Bertalyn sa isang bahay ampunan at nagpaka layu-layo na siya. Hindi na rin niya dinalaw si Bertalyn sa kulungan hanggang sa mabalitaan niyang nakalaya na ito pero hindi na sila nagkita dahil nagtago na rin siya kay Bertalyn.
Makalipas ang mahabang panahon ay nalaman ni Alma na may bagong mapapang asawa si Don Chito at naisip niya na wala na si Alyn sa mansion kaya pwede na niyang kunin ulit ang anak ni Bertalyn sa ampunan upang kilalanin siya ni Don Chito at inisip niya na mapapakinabangan niya ito.

SA AMPUNAN.

Alma: Naaalala niyo pa ho ba ako? Ako po yung babaeng nagdala dito kay Madelyn.

Delia: Madelyn ba kamo?

Alma: Opo. 17 years ago, may dinala po akong batang babae dito. Nahanap ko na po kasi ang tunay niyang ama na si Don Chito Villaviceño. Gusto ko na po siyang ibalik sa tunay niyang ama.

Delia: Si Marielyn siguro ang tinutukoy mo.

Alma: Marielyn?

Delia: Oo. Marielyn kasi ang pagkakadinig namin na sinabi mong pangalan ng bata kaya yun ang itinawag namin sa kanya.

Alma: Maaari ko po ba siyang makita?

Delia: Sige, halika...

AT NAGKAUSAP SINA ALMA AT MARIELYN AT SINABI NIYA DITO ANG LAHAT TUNGKOL SA AMA NIYA.

Marielyn: May tatay pa po ako?

Alma: Oo Marielyn.

Marielyn: Eh nasaan po ang nanay ko?

Alma: Matagal ko na siyang hindi nakikita eh. Nakulong siya noong ipinagbubuntis ka niya tapos ibinigay ka niya sa akin nung ipinanganak ka niya at hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya.

NAPALUHA SI MARIELYN.

*END OF FLASH BACK*

Lady Vera: Marielyn na ang pangalan niya at kasama na siya ni Chito ngayon? Ang ibig sabihin alam na rin ni Alyn na siya ang naging anak namin ni Chito?

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon