CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR (RUN AWAY)

24 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 134
"RUN AWAY"

SAKAY NG KOTSE SINA DON CHITO, CHENELYN AT BECKY. NASA LIKURAN SILANG TATLO.

UMIIYAK SI CHENELYN.

Chenelyn: Ang anak ko! Anong oras na pero wala pa ring balita sa kanya!

Don Chito: Huminahon ka muna Chenelyn. Mahahanap din natin si Mauilyn.

Becky: Ipagdasal nalang natin na sana nasa maayos siya.

MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI CHENELYN. HAWAK NI BECKY ANG PHONE NITO.

Becky: May tumatawag sa'yo Ate. Number lang eh.

INIABOT KAY CHENELYN ANG PHONE.

Chenelyn: (Sinagot) Hello?

Mauilyn: (Kabilang linya) Mommy?

Chenelyn: ANAK! MAUILYN IKAW BA 'YAN?

NATIGILAN SINA DON CHITO AT BECKY.

Mauilyn: Opo mommy! Puntahan niyo po ako dito sa sa presinto!

Chenelyn: Saang presinto 'yan? Pupuntahan ka namin agad!

••••••••••••••••••••••••
SA PRESINTONG PINUNTAHAN NI MAUILYN.
KAUSAP SIYA NG MGA PULIS KASAMA ANG DRIVER NG TRUCK NA TUMULONG SA KANYA.

Mauilyn: Tatlong lalake ho ang dumukot sa akin. Nakatakas lang ho ako at tinulungan ako ng truck driver na ito.

Truck Driver: Eh nung una natakot po ako kasi baka madamay ako pero hindi naman po kaya ng kunsensiya ko na hindi siya tulungan kaya pinasakay ko po siya sa truck ko. Mabuti na nga lang po at hindi na kami nahabol nung mga taong dumukot sa kanya.

Pulis: O sige. May nagtimbre na rin kasi sa amin sa ibang station na may nawawala nga daw na babae na nagngangalang Mauilyn Villaviceño. Ikaw pala 'yun. Hayaan mo sasabihan ko sila na ligtas ka na.

Mauilyn: Natawagan ko na rin naman ho ang Mommy ko eh. Maraming salamat po sa inyo. Kuya (truck driver), salamat talaga sa tulong mo! Magbabayad ako kahit magkano! Kung hindi dahil sa'yo baka kung ano ng nangyari sa akin.

Truck Driver: Wala hong ano man 'yun Ma'am.

MAYA MAYA AY DUMATING NA SINA CHENELYN, BECKY AT DON CHITO.

Chenelyn: ANAK!

AGAD NIYAKAP NI CHENELYN SI MAUILYN AT NAG IIYAK.

Mauilyn: Mommy!!!

Chenelyn: Salamat naman sa Diyos at ligtas ka! Nag aalala ako ng husto sa'yo!

Don Chito: Ano bang nangyari anak?

IKINWENTO NI MAUILYN ANG LAHAT.

Chenelyn: Pero sino namang magpapadukot sa'yo? Anong rason nila?

Mauilyn: Wala ho akong ibang naiisip na gagawa nito kundi si Kendralyn lang!

HALATA ANG GALIT SA BOSES NIYA.

Don Chito: Ano? Anak, baka naman nagkakamali ka lang?

Mauilyn: Hindi daddy! Sigurado ako! Siya lang ang gagawa nito sa akin!

HINDI NA NAGSALITA SI DON CHITO.

••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROLANDO.
KAUSAP NI DOÑA ALYN SA TELEPONO ANG TAUHAN NIYA.

Doña Alyn: ANO???!! Natakasan kayo? MGA INUTIL!!! Tatlo tatlo kayo diyan pero natakasan kayo ng isang babae lang!? LECHE!!! Humanda kayo sa akin mga BOBO!!!

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon