LYN SISTERS
CHAPTER FORTY FOUR
"Buried Alive"TAPOS NG HUKAYIN NG MGA TAUHAN NI DOÑA ALYN ANG LUPANG PAGLILIBINGAN NILA KAY MAUILYN.
MAY NAKAHANDA NA RING ATAOL PARA KAY MAUILYN.NAKATALI SI MAUILYN AT HAWAK SIYA NI ANDOY.
Mauilyn: (Umiiyak) Maawa kayo sa akin! Huwag niyong gawin sa akin ito!
Doña Alyn: Don't worry Mauilyn, ilang oras na lang naman eh mamamatay ka na at wala ka ng mararamdaman. Tignan mo naman oh, ang ganda ng inorder kong kabaong for you hindi ba?
Mauilyn: Tita Alyn, parang awa mo na huwag mong gawin ito!
Doña Alyn: Hindi na magbabago ang isip ko kaya huwag ka ng magsayang ng laway at ng luha diyan!
(Tinignan ang dalawang tauhan) Ipasok niyo na yan sa kabaong!HINAWAKAN NG DALAWANG LALAKE SI MAUILYN.
Mauilyn: NO! NO! BITAWAN NIYO AKO!!!
NAGPUPUMIGLAS SI MAUILYN KAYA SINIKMURAAN NILA ITO. NANGHINA SI MAUILYN.
Doña Alyn: Huwag ka ng pumalag Mauilyn dahil wala ka ng magagawa! Mamamatay ka na ngayon wether you're ready or not! Hahahaha!!!
IPINASOK NA NILA SI MAUILYN SA KABAONG.
Doña Alyn: Good bye Mauilyn!
ISINARA NI DOÑA ALYN ANG KABAONG AT DAHAN DAHANG INILAGAY SA HUKAY.
SA LOOB NG KABAONG, UMIIYAK SI MAUILYN.
Mauilyn: Diyos ko, alam ko po na bihira lang akong magdasal sa inyo pero sana po pakinggan niyo ako. Tulungan niyo po ako!!!
UNTI UNTING TINATABUNAN NINA ANDOY NG LUPA ANG KABAONG.
Doña Alyn: Hmmm... Paalam Mauilyn, May you rest in peace!
••••••••••••••••••••
KINABUKASAN.
NAGPUNTA SI BECKY SA MANSION NG MGA VILLAVICEÑO. ISANG KATULONG ANG KAUSAP NIYA SA LABAS NG GATE.Kikay: Wala po talaga dito si Senyorita Mauilyn. Ilang araw na po siyang hindi umuuwi dito mula po nung na ospital si Don Chito.
Becky: Alam ko, sa amin siya tumutuloy pero wala siya sa bahay ko kagabi pa kaya dito ko siya hinahanap!
Kikay: Wala din po siya dito.
LUMABAS SI DOÑA ALYN MULA SA LOOB NG MANSION.
Doña Alyn: Ikaw? Anong ginagawa mo dito?
Becky: Hinahanap ko lang ang pamangkin ko.
Doña Alyn: Wala siya dito. Bakit hindi mo hanapin dun sa bahay ng nobyo niya baka nakipagtanan na 'yun!
Becky: Hindi yun magagawa ng pamangkin ko noh!
Doña Alyn: Really? Sa landi niyang yun? Manang mana lang siya sa kapatid mong si Chenelyn kaya hindi na ako magtataka kung bakit malandi din ang pamangkin mo!
Becky: Sumosobra ka na ah!
SINAMPAL NI BECKY SI DOÑA ALYN.
NABIGLA SI DOÑA ALYN.Kikay: Doña Alyn! Okay lang kayo?
Doña Alyn: Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong sampalin ako sa harap ng sarili kong bahay!
SINAMPAL DIN NI DOÑA ALYN SI BECKY.
Becky: Ahhhh!!!
NAGSABUNUTAN SILANG DALAWA.
Kikay: Ay Diyos ko! Tama na po yan! Ay!!! Tulong!!!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
De TodoTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?