LYN SISTERS
CHAPTER SIX
"CAMELYA'S REAL PLAN"Sa isang restaurant.
Nandoon si Camelya at may kausap na isang babae.Camelya: Bwisit talaga. Akala ko isa lang ang makakaagaw ko sa kayamanan ng Chito na 'yan, ayun pala may dalawa pa siyang mga anak!
Ruffa: Well, mukhang mahihirapan ka talaga na masolo ang kayamanan ni Don Chito.
Camelya: Hindi ako papayag. Kung si Kendralyn, napaikot at napaniwala ko na wala akong interes sa kayamanan ng daddy niya yung dalawa pa kaya?
Ruffa: Nakakaloka ka nga eh, sabihin mo ba naman na nanalo ka sa lotto ng 900 Million at may business ka na real estate? Mabuti na lang at napaniwala mo yung Kendralyn na 'yan? Hindi man lang siya nag research?
Camelya: Dahil mana siya sa daddy niyang tanga. Hahahaha!
Ruffa: Hahahaha!
••••••••••••••
MAGKAUSAP NAMAN SINA MAUILYN AT DANIELLA SA ISANG JUICE BAR.
Daniella: Congrats Sissy! Nagtagumpay ka!
Mauilyn: Thanks Daniella. At last! Isa na 'kong ganap na Villaviceño.
Daniella: So, ano na ang plano mo?
Mauilyn: Well, kailangan kong sumipsip kay daddy para maging paborito nya ako.
Daniella: What about your half sisters?
Mauilyn: Si Marielyn, hindi siya magiging problema sa akin dahil mahina siya at duwag. Pero yang si Kendralyn, siya ang mahigpit kong kakumpitensiya kay daddy, kaya dapat siraan ko siya! Hmmmm...
Daniella: And how will you do that?
Mauilyn: Madali na lang 'yan.
•••••••••••
VILLAVICEÑO MANSIONSa kwarto ni Marielyn kausap niya si Yaya Onessa.
Onessa: Alam nemu sinyoreta Marielyn, ang layu layu talaga ng ogali nemu sa dalawa mung kapated. Ekaw, mabait ka, masayahin, magalang at palangete samantalang yung dalawa nemung ate mga masosonget!
Marielyn: Sa totoo lang po Yaya Onessa, natatakot na nga po ako sa kanila eh, kasi laging masama ang titig nila sa akin. Nung una akala ko sa umpisa lang sila ganun pero habang tumatagal parang nababahala na ako.
Onessa: Naku, kung aku sa eyo dili ako magpapa ape sa mga yun. Lumaban kayu kapag enaway kayu kase kung hendi baka kayan kayanen na lang nila ikaw lagi.
Napaisip si Marielyn.
Biglang pumasok si Kendralyn sa kwarto ni Marielyn.
Kendralyn: Marielyn!
Marielyn: Ate Kendralyn?
Yaya Onessa: Maewan ko na po mona kayu.
LUMABAS SI YAYA ONESSA NG KWARTO AT NAIWAN SINA KENDRALYN AT MARIELYN.
NAMUMUTLA SI MARIELYN SA TAKOT.
Marielyn: A-Anong kailangan mo Ate Kendralyn?
Kendralyn: (Ngumiti) Oh, Bakit namumutla ka naman diyan?
Marielyn: Ahhhh...
Kendralyn: Never mind. Well, nagpunta lang naman ako dito dahil gusto sana kitang yayain na mag mall. Alam ko kasi na sobrang bihira mo lang makapamasyal sa mall, unlike me na halos everyday nag sho-shopping.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?