LYN SISTERS
CHAPTER FORTY FIVE
"The Board Meeting"SA KOTSE NI ALDRIN. MAGKAUSAP SILA NI MARIELYN.
Marielyn: Salamat Aldrin ah? Kung hindi dahil sa'yo baka nahuli na ako ng mga pulis na 'yun kanina.
Aldrin: (Driving) Kasalanan ko naman eh. Sinabi ko kay Kendralyn kung nasaan tayo.
Marielyn: Wala ka namang alam sa mga nangyari eh kaya wala kang kasalanan. Salamat dahil hindi mo ako hinusgahan sa mga narinig mo. Alam ko na mali yung tinatakasan ko ang kasalanan ko pero natatakot kasi ako eh.
Aldrin: You mean, inaamin mo na ikaw nga ang pumatay sa fiancé ng daddy mo?
NAPALUHA SI MARIELYN AT TUMANGO.
Marielyn: Oo Aldrin. Ako ang nga pero hindi ko ginusto yung nangyari. Hindi ako masamang tao. Aksidente lang ang lahat. Prinotektahan ko lang ang daddy ko.
Aldrin: And I beleive you. Alam kong mabuti kang tao Marielyn kaya nga nakukunsensiya ako eh.
Marielyn: (Nagtaka) Nakukunsensiya? Anong ibig mong sabihin?
Aldrin: Marielyn, may aaminin ako sa'yo.
Marielyn: A-Ano 'yun?
INIHINTO NI ALDRIN ANG KOTSE SA GILID NG KALSADA.
Aldrin: Marielyn, ang totoo inutusan ako ni Kendralyn noon na kaibiganin ka. Gusto niyang ligawan kita at gusto niya na sirain ang image mo para magalit sa'yo ang daddy niyo. Alam niyang hindi ko siya matatanggihan dahil matagal na kaming magkaibigan.
NAPAPALUHA SI MARIELYN SA MGA IPINAGTATAPAT SA KANYA NI ALDRIN.
Aldrin: Planado na niya ang lahat Marielyn. Kapag sinagot mo na ako, ipapahamak ka namin at papalabasin na gumagamit ka ng ipinagbabawal na droga para masira ka sa daddy mo at ma disappoint siya ulit sa'yo. Pero sobrang bait mo eh at sa maikling panahon na nagkakilala tayo alam ko na mabuti ka talagang tao kaya nakunsensiya ako. Hindi ko kayang gawin yung gustong ipagawa sa akin ni Kendralyn.
Marielyn: Napaka sama niya. Akala ko talagang totoong mabait na siya sa akin pero nagkamali ako. Ilang beses na niya akong pinag mukhang tanga at niloko. Napaka walang hiya niya!
Aldrin: Marielyn I'm so sorry (Napaluha). Pero sana maniwala ka na gusto na talaga kita. I love you Marielyn.
DAHAN DAHANG LUMAPIT ANG MUKHA NI ALDRIN KAY MARIELYN AT HINALIKAN NIYA ITO.
NAPAPIKIT SI MARILEYN HABANG TUMUTULO ANG KANYANG MGA LUHA.
---------------------------------
VILLAVICEÑO MANSION.MAY KAUSAP SA PHONE SI KENDRALYN.
Kendralyn: Ano? Hindi pa nahuli si Marielyn? Sigurado ba kayo na wala siya dun?
END CALL.
Kendralyn: Bwisit!
DUMATING SI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Oh anak, bakit parang inis na inis ka?
Kendralyn: Paano, hindi pa rin nila nahuli si Marielyn! Bakit kasi pinalayas niyo pa siya eh ayan tuloy nakapagtago pa siya ngayon!
Doña Alyn: Don't worry anak, mahuhuli din natin ang Marielyn na 'yan. Hindi ba kasabwat mo naman si Aldrin? Pwede mo ulit siyang utusan na makipagkita kay Marielyn next time right?
Kendralyn: Kelan pa? Bwisit talaga. Hangga't hindi nahuhuli si Marileyn ako pa rin ang isa sa mga suspect ng mga pulis na pumatay kay Camelya dahil sa bwisit na witness na yun!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?