CHAPTER THIRTY SIX (SET UP)

59 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER THIRTY SIX
"Set Up"

SA KWARTO NI MARIELYN.
HINDI SIYA MAKATULOG.
INIISIP NIYA ANG MGA NALAMAN NIYA. MASAYA SIYA DAHIL SA WAKAS AY NAKILALA NA RIN NIYA ANG KANYANG TUNAY NA INA AT ANG KUYA NIYA PERO SA KABILANG BANDA AY NALULUNGKOT SIYA DAHIL MUKHANG MALAKI ANG GALIT NG KANYANG INA SA KANYANG AMA.

Marielyn: Diyos ko, sana po ay pawiin Ninyo ang galit at poot kina Inay at kuya. Tulungan Niyo po silang magpatawad.

NAPALUHA SIYA.
WALA SIYANG MAPAGLABASAN NG KANYANG NARARAMDAMAN.
NAISIPAN NIYANG TAWAGAN SI ALDRIN. MABUTI AT GISING PA ITO.

Marielyn: Hello, Aldrin.

Aldrin: (Kabilang linya) Marielyn? Napatawag ka? Hating gabi na ah?

Marielyn: Pasensiya ka na, nakaistorbo ba ako sa'yo?

Aldrin: Of course not. Ano bang atin? May problema ka ba?

Marielyn: Pwede ba tayong magkita bukas? Kailangan ko lang kasi ng makakausap.

Aldrin: Sure. Basta ikaw.

Marielyn: Salamat. Ikaw lang kasi ang naisip ko na pwede kong mapagsabihan ng lahat.

Aldrin: Mukhang seryoso yan ah? Sige, bukas dadaanan kita sa inyo okay?

Marielyn: Okay. Salamat ah?

Aldrin: Wala yun.

Marielyn: Good night.

Aldrin: Good night.

•••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI LADY VERA.
UMIINOM SIYA NG WINE.
HINDI RIN SIYA MAKATULOG.
NAGBALIK SA ALA ALA NIYA ANG LAHAT NG GINAWA NI ALYN AT CHITO SA KANYA.

Lady Vera: Kung pinakinggan mo lang sana ako noon Chito, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Winasak mo ako Chito, nahiwalay ako sa mga anak ko at nagdusa ng ilang taon sa kulungan.

NAAALALA NIYA NA MAY NAMBUGBOG PA SA KANYANG MGA PRESO SA LOOB NG KULUNGAN DAHILAN UPANG SIYA AY DUGUIN AT KAMUNTIKAN NA SIYANG MAKUNAN KAY MARIELYN. NARINIG PA NIYA ANG SINABI NG ISANG PRESO NA "MATUTUWA SI MADAME ALYN NITO".

TUMULO ANG LUHA NI LADY VERA.

Lady Vera: Isa ka pa Alyn, hinding hindi ko malilimutan ang lahat ng ka demonyohang ginawa mo sa akin! Magbabayad kayo! Magsisimula na akong maghiganti!

•••••••••••••••••••••••

KINABUKASAN.

MAY KAUSAP SI MAUILYN SA CELLPHONE---SI WINSTON.

Winston: (Kabilang linya) Napatawag ka?

Mauilyn: Na-miss kasi kita eh. Tsaka, hindi ba sinabi ko naman sa'yo na gagawa ako ng paraan para hindi ka na mahirapang hiwalayan si Kendralyn?

Winston: Bakit? May naisip ka na bang paraan?

Mauilyn: (Nag evil smile) Yayain mo siyang lumabas. Papuntahin mo siya sa DEL MUNDO HOTELS, nagpa book ako ng unit doon gamit ang pangalan mo. Tapos pumunta ka dun ng alas otso ng gabi.

Winston: (Napaisip) Anong pina plano mo?

Mauilyn: You'll see...

••••••••••••••••••••••••
SA ISANG COFFEE SHOP.
MAGKAUSAP SINA ALDRIN AT MARIELYN.

Aldrin: Talaga? Na-meet mo na ang mommy mo?

Marielyn: Oo Aldrin.

Aldrin: Eh bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba sabi mo sa akin na gustong gusto mo na siyang makilala at makasama?

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon