LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY THREE
"BACK TO SCHOOL"SA MANSION NI ROLANDO.
NANDOON SI ATTY. RUIZ AT KAUSAP SI DOÑA ALYN. SINABI NIYA DITO ANG GINAWA NINA MAUILYN AT CHENELYN KAY KENDRALYN.Doña Alyn: Mga walang hiya talaga sila! Porket alam nila na patay na ako, inaapi na nila ang anak ko!
Atty. Ruiz: Bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Kendralyn ang totoo? Na buhay ka pa?
Doña Alyn: Hindi pa pwede! Ayokong masira ang mga plano ko! Basta ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Humanda sa akin ang Mauilyn at Chenelyn na 'yan! May araw din silang mag ina!
UMINOM NG ALAK SI DOÑA ALYN.
•••••••••••••••••••
ILANG ARAW ANG LUMIPAS.SA BAHAY NI BECKY.
ISANG LALAKE ANG NAG DOOR BELL AT NAG IWAN NG ITIM NA KAHON NA MAY PULANG LASO SA TAPAT NG GATE TSAKA KUMARIPAS NG TAKBO.MAYA MAYA AY LUMABAS SI BECKY AT NAKITA ANG KAHON.
Becky: Ano kaya ito?
TUMINGIN SIYA SA PALIGID PERO WALA SIYANG NAKITANG TAO.
KINUHA NIYA ANG KAHON AT BINASA ANG DEDICATION CARD.
"TO MY DEAREST MAUILYN"Becky: Para kay Mauilyn? Sino kayang nagbigay nito? Baka naman si Winston? Ang sweet naman talaga! Tamang tama, nandito si Mauilyn.
PUMASOK NA SIYA SA LOOB.
•••••••••••••••••
SA LOOB MAGKAUSAP SINA CHENELYN AT MAUILYN.Chenelyn: Alam mo anak, kapag inalok ka ng kasal ni Winston, mag yes ka na agad! Huwag ka ng magpapakipot ha? Malaking isda yang si Winston! Tiba tiba tayo pag nagkataon!
Mauilyn: Talagang magye-yes agad ako noh! Alam mo Mommy, unang kita ko palang kay Winston noon talagang nalaglag agad ang panty ko eh! Hahaha! Ang gwapo niya kasi tapos mayaman pa! Perfect diba?
Chenelyn: Tama! Hahaha!
DUMATING NA SI BECKY.
Chenelyn: Oh Becky, sino ba yung nag door bell?
Becky: Eh wala namang tao eh.
NAPATINGIN SINA MAUILYN SA HAWAK NA KAHON NI BECKY.
Mauilyn: Ano yang kahon na yan?
Becky: (Ngumiti) Ayon na nga! May nag iwan nito sa labas ng gate at para sa'yo daw ito!
Mauilyn: (Nagtaka) Para sa akin?
Becky: Oo! Oh eto!
INABOT KAY MAUILYN ANG KAHON.
Mauilyn: (Binasa ang dedication card) To My Dearest Mauilyn.
Chenelyn: Kanino galing? Kay Winston?
Becky: Walang nakalagay pero siya din ang hinala ko! Ang sweet ano?
Mauilyn: (Namula) Ano kayang laman nito?
Chenelyn: Buksan mo na anak!
EXCITED NA TINANGGAL NI MAUILYN ANG PULANG LASO SA KAHON AT BINUKSAN ITO.
NAPASIGAW SIYA NG MAKITA ANG LAMAN NG KAHON AT NAITAPON NIYA ITO!!!Mauilyn: AYYYYYYYYY!!!!!
NAGULAT DIN SINA CHENELYN AT BECKY.
NAPATINGIN SILA SA LAMAN NG KAHON.
ISANG MALAKING LARUANG DAGA AT MAY PEKENG DUGO.
NANGINIG SA TAKOT SI MAUILYN.Becky: Diyos ko! Kanino kaya galing yan?
Chenelyn: Hindi magandang biro ito!
••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.
NASA POOL AREA SINA MARIELYN, DON CHITO AT EVA. KINAKAUSAP NI MARIELYN ANG DADDY NIYA.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?