LYN SISTERS
CHAPTER TWENTY FIVE
"Change Of Plan"MAGKAUSAP SINA KENDRALYN AT WINSTON.
Winston: You know what, tama pala lahat ng mga naririnig ko tungkol sa'yo. Maganda ka nga talaga at may sense kausap.
KINILIG SI KENDRALYN.
Kendralyn: Hmmm, bin0b0la mo lang yata ako eh?
Winston: Of course n0t. Totoo ang sinasabi ko. Maganda ka talaga. Mabuti nalang at inimbitahan ako ng daddy mo dito at nagpunta ako dahil kung hindi baka hanggang ngayon eh hindi pa rin kita nakikilala.
Kendralyn: (Ngumiti) Oo nga eh. Mabuti nalang at nagkakilala tayong dalawa.
Dumating si Mauilyn kasama si Louie.
Mauilyn: Oh Hi sis, Hi Winston! Mukhang seryoso ang usapan niyong dalawa ah?
Kendralyn: Hindi naman sis. Sakto lang.
Winston: Actually, kinikilala lang namin ang isa't isa.
Mauilyn: Ohhh... Mabuti hindi ka nabo-bore kausap itong half sister ko kasi you know, she's a boring person.
Winston: Hindi naman. I actually find her interesting.
Mauilyn: (Sumama ang mukha) Really? Mabuti naman kung ganun. Siya nga pala, this is Louie my friend.
NAPATINGIN SI LOUIE KAY MAUILYN.
Kendralyn: Friend? I thought he's already your boyfriend?
Mauilyn: What? No. Hindi ko pa siya sinasagot. By the way, maiwan na muna namin kayo diyan okay? Medyo nakaka boring kasi yung party so pasasayahin ko lang ng konti.
Louie, let's go!SINUNDAN NG TINGIN NI WINSTON SINA MAUILYN AT LOUIE.
Kendralyn: Don't mind her, papansin lang talaga yun.
Winston: (Ngumiti) Mukhang hindi kayo magkasundo?
Kendralyn: I'm trying to be nice naman to her pero minsan kasi nag a-attitude talaga siya.
•••••••••••••••••••••••••
MAGKAUSAP NAMAN SINA ALDRIN AT MARIELYN.Aldrin: Really? Hindi mo pa na meet yung mommy mo?
Marielyn: Oo eh. Ang sabi sa akin ng nagpakilalang tiya ko eh nakulong daw siya tapos hindi na niya nakita ito kahit kailan.
KITA NI ALDRIN SA MGA MATA NI MARIELYN ANG KALUNGKUTAN.
Aldrin: Okay lang yan. Huwag ka ng malungkot. I'm sure magkikita din kayo ng mommy mo balang araw.
Marielyn: Sana nga.
MAYA MAYA AY BIGLANG NAIBA ANG MUSIC MULA SA BORING NA MUSIKA AY NAGING NAKAKAINDAK AT MAS MODERNONG TUGTOG ANG NARINIG NG MGA BISITA.
Doña Alyn: What's happening? Sinong nagpalit ng music?
NAKITA NILA SINA MAUILYN AT ANG MGA KAIBIGAN NITO NA NAGSASAYAW.
Mauilyn: Hooooo!!!! Let's party!!!
Daniella: Ang taray mo talaga sissy!
Shana: Now, hindi na boring ang party na ito!
Mauilyn: Louie, tara sayaw tayo!
Louie: (Walang gana) Ayoko.
Mauilyn: Ano ka ba? Bakit?
Louie: Uuwi nalang ako.
Mauilyn: What? Ano bang problema mo?
Louie: Ikaw. Bakit sinabi mo sa kapatid mo na hindi mo pa ako boyfriend?
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?