CHAPTER FOUR (Reunited)

113 1 0
                                    

Nagpunta si Marielyn sa mansion ng mga Villaviceño.

Nasa labas siya ng gate. Hingal na hingal.

Marielyn: Hay mabuti nalang at naging busy yung mga guards at nakapuslit ako papasok.

Pinagmasdan niya ang labas ng mansion ng mga Villaviceño.

Marielyn: Tama kaya yung itunuro sa akin nung babae kanina? Eto na nga kaya ang bahay ng tunay kong ama? Mukhang mayaman nga siya. Yung gate palang ang ganda na eh.

Magdo-doorbell na sana siya pero biglang may nagbukas ng gate----Si Kendralyn.

Marielyn: Ang galing, hindi pa ako nagdo-dorrbell pero may nagbukas agad? Magandang araw sa'yo.

Kendralyn: Sino ka? At paano ka nakapasok sa subdivision na ito eh exclusive ito?

Marielyn: Ah eh k-kasi nagkataon na kakilala ko yung isa sa mga subdivision guards at sinabi ko na pupuntahan ko lang yung tatay ko.

Nagsinungaling siya.

Kendralyn: (Tumaas ang isang kilay) Ikaw? May tatay sa ganitong klaseng subdivision?

Tinignan niya si Marielyn mula ulo hanggang paa.

Kendralyn: Oh wait! You mean baka isa sa mga drivers ng mga home owners ang tatay mo or isa sa mga gardeners, Tama ba?

Marielyn: Ah hindi. Actually, dito daw kasi siya nakatira eh. Si Don Chito Villaviceño?

Napaisip si Kendralyn.

Kendralyn: I see... Si Don Chito pala ang daddy mo?

Marielyn: (Napangiti sa tuwa) Kilala mo ang daddy ko? Nandiyan ba siya?

Kendralyn: Paano naman siya mapupunta dito eh hindi naman siya dito nakatira? Ang alam ko kasi matagal na siyang umalis dito at nagpunta na daw siya ng ibang bansa.

Marielyn: Si-sigurado ka ba? Kasi ang sabi sa akin nung babae kanina dito daw po siya nakatira eh?

Kendralyn: Well, that's fake news! Hindi dito nakatira si Don Chito kaya makakaalis ka na.

Pinagsarahan ni Kendralyn ng gate si Marielyn sabay nag evil smile.

Kendralyn: Hmmmm... Mga ambisyosa!

Walang nagawa si Marielyn kundi ang umalis.

•••••••••••••••••
GABI.

Sa kwarto ni Kendralyn.
Nagbabasa siya ng libro ng biglang may kumatok sa pinto.

Kendralyn: Who's there?

Camelya: It's me.

Kendralyn: Come in!

Pumasok si Camelya.

Camelya: Totoo bang may mga nagpunta daw dito at sinasabi nila na anak din daw sila ng daddy mo?

Kendralyn: Yeah. But I'm sure gumagawa lang sila ng kwento dahil gusto nilang perahan si Daddy. Pero sorry na lang sila dahil ako lang ang nag iisang anak ni daddy.

Camelya: But what if totoo nga na may mga anak ang daddy mo sa ibang babae?

Kendralyn: Then I'll make sure na hinding hindi sila makakapasok sa mansion na ito at hinding hindi sila makikilala ni Dad.

Camelya: Maldita ka talaga and I love it! Hahaha! Well, I'm on your side (nag evil smile). Hindi natin hahayaang makapasok ang mga sampid na yun sa buhay natin.

Kendralyn: Thanks! Pero kung mangyari man na kilalanin sila ni Daddy, gagawin kong miserable ang mga buhay nila!

Nag ngitian silang dalawa.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon