CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE (Unplanned Date)

24 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 139
"UNPLANNED DATE"

GABI.
VILLAVICEÑO MANSION.

NASA LIVING ROOM SI CHENELYN AT TUMITINGIN SA KANYANG SOCIAL MEDIA ACCOUNT SA CELLPHONE.
DUMATING SI KIKAY.

Kikay: Ma'am Chenelyn, nakahanda na po ang hapunan.

Chenelyn: (Napatigil sa ginagawa) Ang Sir Chito mo dumating na ba?

Kikay: Hindi pa po ma'am eh.

Chenelyn: Si Mauilyn?

Kikay: Tinatawag na po ni Luisa sa kwarto pati na rin po si Senyorita Jenny para sabay sabay na po kayong kumain.

Chenelyn: Hihintayin ko na lang ang sir Chito ninyo.

Kikay: Sige po.

UMALIS NA SI KIKAY.
MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI CHENELYN. UNKNOWN NUMBER KAYA NAG AALANGAN SIYANG SAGUTIN ITO PERO SINAGOT NIYA RIN MATAPOS ANG ILANG RING.

Chenelyn: Hello, sino ito?

ISANG BOSES NG LALAKE ANG NAGSALITA.

Lalake: Alam ko kung nasaan si Chito Villaviceño.

Chenelyn: (Natigilan) Sino ka? Bakit mo kilala si Chito?

Lalake: Hindi na importante kung sino ako, ang mahalaga ay ang malaman mo kung nasaan ngayon si Chito at kung sino ang kasama niya.

NATIGILAN SI CHENELYN.

Chenelyn: Anong ibig mong sabihin?

Lalake: Malalaman mo kapag pinuntahan mo siya. Ite-text ko sa'yo ang lugar kung saan mo siya pwedeng makita.

END CALL.

Chenelyn: Hello? Hello???

NAPAISIP SI CHENELYN.
MAYA MAYA AY MAY NA RECEIVE SIYANG TEXT.

MESSAGE: MAGPUNTA KA SA CAFÉ AVENUE PARA MALAMAN MO ANG SINASABI KO.
••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROLANDO.
MAY KAUSAP SI DOÑA ALYN SA CELLPHONE.

Doña Alyn: Magaling. Sige, tatawagan na lang ulit kita. Bye.

END CALL.

••••••••••••••••••••••••••
SAMANTALA KAUSAP NAMAN NI KENDRALYN SI PIA SA PHONE.

Pia: (Kabilang linya) Nasaan ka ba talaga girl? Nagpunta dito sina Marielyn at Aldrin. Hinahanap ka nila. Nag aalala sila sa'yo.

Kendralyn: Pabayaan mo silang mag alala. Okay lang ako. Actually, sobrang okay ako ngayon sa tinutuluyan ko.

Pia: Well, I'm glad you're okay pero nasaan ka ba talaga?

Kenderalyn: Hindi mo na kailangang malaman Pia. Anyway, thank you nga pala sa pagpapatuloy mo sa akin sa condo mo. I appreciate your help.

Pia: Of course, we're friends right?

Kendralyn: Yeah. Sina Chelsea at Hector nga pala?

Pia: Ayun, nagpapanggap na mag jowa ngayon sa family reunion ni Hector. Nakakaloka nga eh. Hindi na ako magtataka kung magkatuluyan yung dalawang 'yun. Eh kinakamusta ka nga rin nila eh. Nag aalala din sila for you.

Kendralyn: Just tell them I'm fine.

DUMATING SI DOÑA ALYN.

Doña Alyn: Kendralyn anak...

NATIGILAN SI KENDRALYN.

Pia: (Narinig) Wait, sino 'yun?

Kendralyn: Ah wala 'yun Pia. Tatawagan nalang kita ulit. Bye!

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon