Chapter Two (The Second Daughter)

138 2 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER TWO
"THE SECOND DAUGHTER"

SA ISANG SIKAT NA BAR SA MAYNILA.

Nagpa-party party ang isang magandang babae na si Mauilyn kasama ang mga barkada niya ng biglang nag ring ang ph0ne nya.

Mauilyn: (Sinagot) Hello Tita Becky?
Sandali hindi kita maintindihan medyo maingay dito eh. Ano nga 'yun ulit?

Becky: (Kabilang linya) Ang mommy mo, sinusumpong na naman ng depression niya eh! Nagwawala! Umuwi ka na!

Mauilyn: Ano? Si mommy? Okay sige, uuwi na ako, bye!

Mauilyn: Guys, I have to go. May emergency lang sa bahay.

Daniella: Ganun ba? Sige Sissy! Ingat ka!

Dali-daling umalis si Mauilyn sa bar.

••••••••••
SA BAHAY NINA MAUILYN.

Nagwawala pa din ang m0mmy ni Mauilyn na si Chenelyn Ram0s, isang dating sikat na artista na nabaliw dahil sa depression at drug addiction simula nung malaos na siya at nung mamatay ang ikatlong kinakasama niya.

Kakalabas lang nito sa mental hospital tatlong buwan na ang nakakalipas.

Dumating na si Mauilyn.

Mauilyn: Mommy! Tama na nga!

Chenelyn: Huwag niyo akong pigilan! Hkkkkkkkkk!!!!!

Pinagbabato ni Chenelyn ang lahat ng mahawakan niya. Natamaan si Mauilyn sa mukha.

Mauilyn: Aray! Mommy ano ka ba!

Sumigaw si Mauilyn at tsaka lang natigilan si Chenelyn.

Mauilyn: Siguro nga tama si Tita Becky! Hindi ka pa magaling kaya dapat ibalik ka namin ulit sa mental hospital!

Chenelyn: LAOS NA AKO! WALA NA TAYONG PERA! WHOOOO!!! ANG SAYA SAYA!!! HAHAHAHA! LET'S PARTY WHOOOO!!!

Becky: Baliw pa rin talaga yang nanay mo eh! Nasaktan ka ba?

Mauilyn: Okay lang ho ako.

Chenelyn: Alam mo anak, mayaman ka eh! Hindi ka dapat nadadamay sa kahirapan ko! Dahil mayaman ka!

Mauilyn: (Nagtaka) Ano po? Ano bang sinasabi niyo? Paano naman ako naging mayaman? May naitabi ba kayong pera sa bangko? May ibinaon ba kayong kayamanan sa lupa? O tara hukayin na natin! Hay! Pwede ba mommy? Tumigil ka na!

Chenelyn: Totoo ang sinasabi ko! Mayaman ka dahil anak ka ni Don Chito Villaviceño! Hindi mo na kailangang madamay sa kahirapan ko! Panahon na para malaman mo ang totoo! Anak kita kay Chito Villaviceño kaya may karapatan ka sa kayamanan niya!

Napatingin si Mauilyn kay Becky.

Mauilyn: Tita Becky anong sinasabi ni mommy?

Hindi umimik si Becky.

•••••••••••

Kinabukasan.

Nasa isang c0ffee sh0p si Mauilyn kasama ang kaibigan na si Danniela. Sinabi niya dito ang sinabi ng kanyang ina.

Danniela: Really? Edi Go! Kung anak ka talaga nung Don Chito na 'yun edi b0ngga! RK ka pala!

Mauilyn: RK?

Daniella: Duh? Rich Kid!

Mauilyn: Pero what if hindi totoo yun? Eh diba nga Krung krung si mommy? Paano kung nag  iilusy0n lang siya? Isa pa hindi ko rin naman sure kung totoo bang may Don Chito Villaviceño sa totoong buhay o baka isa lang yun sa mga characters sa mga naging palabas ni Mommy nung artista pa siya.

Daniella: Well, madali lang yan. Teka, mag google search tayo!

Gamit ang cellphone ay hinanap ni Daniella sa internet ang pangalang Don Chito Villaviceño at nakita nila ang mga impormasyon tungkol sa kanya.

Daniella: Here, it's true! Don Chito Villaviceño is a real person and he is one of the richest businessmen in San Maricar!

Napaisip si Mauilyn.

Mauilyn: Kung ganun, totoo nga na may Don Chito Villaviceño? Ang tanong nalang eh kung totoong naanakan niya si Mommy at ako ang naging bunga nun?

Daniella: You should find out the truth! Hanapin mo ang Don Chito na 'yan at magpakilala ka sa kanya! Malay mo diba, eto na ang hinihintay mong pagkakataon para yumaman?

Mauilyn: You're right. Kailangang makita ko ang Don Chito na 'yan.

ITUTULOY...

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon