LYN SISTERS
CHAPTER EIGHTY ONE
"Family Dinner"TAPOS NG KUMAIN SINA MARIELYN, ALDRIN, JENNY, VANGIE AT BOYONG.
LUMAPIT NA ANG STAFF UPANG IBIGAY ANG SUKLI NINA ALDRIN.Girl Staff: Sir Aldrin here's your change.
Aldrin: Thanks.
EXIT GIRL STAFF.
INILAPAG NALANG NI ALDRIN ANG SUKLI SA MESA.
Boyong: Busog na busog ako! Salamat po Kuya Aldrin, Ate Marielyn.
Marielyn: Naku wala yun. Kung gusto niyong mag take out sige lang.
Vangie: Naku, hindi na ho. Ang dami na po nitong kinain namin.
Aldrin: (Tumingin sa relo) Moo, mag start na yung movie in 10 minutes.
Marielyn: Ganun ba? Ahmmm, mauna na po kami ah? Kasi may schedule pa po kami ng movie.
Vangie: Sige ho. Maraming salamat po.
Jenny: (Nahihiya) Sa-Salamat po sa inyo.
Marielyn: Walang ano man. Sana magkita kita ulit tayo. Happy Birthday po ulit sa inyo Aling Vangie.
Vangie: Salamat Hija. Napaka bait ninyong dalawa at talagang bagay na bagay kayo.
NGUMITI SINA ALDRIN AT MARIELYN.
Boyong: Oo nga po! Bagay na bagay kayong dalawa!
Marielyn: Nakakatuwa ka talaga. Magkikita pa tayo ah?
Boyong: Opo!
Aldrin: Let's go Marielyn. Sige po, mauna na kami.
TUMANGO SINA VANGIE AY JENNY.
UMALIS NA SINA MARIELYN AT ALDRIN. MAGKA HOLDING HANDS SILANG LUMABAS SA RESTAURANT NA IYON.
SINUNDAN SILA NG TINGIN NINA JENNY AT VANGIE.
Vangie: Napaka bait ng dalawang iyon ano anak?
Jenny: (Pilit ang ngiti) Oo nga po eh.
Vangie: Mabuti nalang at sila ang nagbayad. Nakatipid ka pa! Itago mo nalang yang pera mo para hindi mabawasan ang ipon mo.
Boyong: Inay, Ate, Ipa take out natin yung natira oh sayang naman.
Vangie: Sige, para may pang hapunan tayo mamaya!
KINUHA DIN NI BOYONG NG PALIHIM ANG SUKLING IPINATONG NI ALDRIN SA
MESA.•••••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.
DUMATING NA DOON SINA CHENELYN AT BECKY.Kikay: Sandali lang po ah? Tatawagin ko lang po si Senyorita Mauilyn.
Chenelyn: Sige, salamat ah?
UMALIS NA SI KIKAY.
Becky: This is it Ate! Magbubuhay Donya ka na! Bagay na bagay sa'yo, Doña Chenelyn! Hahahaha!
Chenelyn: At sisimulan ko ng paibigin ulit si Chito para maging legal na talaga kaming mag asawa!
Becky: (Ngumiti) Sa wakas ate, sa kabila ng mga pinagdaanan mo, ikaw pa rin pala ang magwawagi kay Chito! Hahaha! Mabuti nalang at nawala na yung Camelya at Alyn na yan. Wala ka na talagang kaagaw!
DUMATING NAMAN SI EVA TULAK TULAK ANG WHEEL CHAIR NI DON CHITO.
Chenelyn: (Nakita si Don Chito. Ngumiti siya) Chito!
NGUMITI SI DON CHITO.
Chenelyn: Kamusta?
Eva: Nandito na po pala kayo Ma'am. Ilalabas ko po sana sa may pool area si Don Chito eh para magpahangin.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RastgeleTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?