CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT (CHRISTMAS EVE)

21 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 128
"Christmas Eve"

VILLAVICEÑO MANSION.
TAPOS NG SUKATAN ANG LYN SISTERS PARA SA ISUSUOT NILANG DRESS SA KASAL NINA DON CHITO AT CHENELYN.

NASUKATAN NA RIN SI CHENELYN AT DON CHITO.
KAUSAP NILA ANG FASHION DESIGNER NA INEREKOMENDA NG KAKILALA NI DON CHITO.

Don Chito: Maraming salamat at pumayag ka na ikaw ang magtahi ng gown ng fiancé ko at ng isusuot ng mga anak ko. Pati na rin ng sa akin.

Veronia: (Gay fashion designer) You're welcome Don Chito. Anything for you! Kahit na madalian ito eh I will make sure na magiging maganda ang tatahiin kong gown for Ma'am Chenelyn at sa mga anak ninyo at syempre para sa inyo. Give me 10 days at matatapos ko po agad ito sa tulong ng aking mga mananahi!

Don Chito: Magaling. Aasahan namin yan. Magbabayad ako kahit magkano basta tapusin mo lang agad yan.

Veronia: Sige po Don Chito! Anyway, mauna na po kami ng aking assistant para masimulan na namin ito.

Chenelyn: Salamat ulit sa inyo.

UMALIS NA SINA VERONIA AT ANG ASSISTANT NIYA.

Don Chito: Mga anak, mag ready kayo dahil lalabas tayo.

Jenny: Saan po tayo pupunta daddy?

Don Chito: Kakain tayo sa labas at mamimili na rin tayo ng mga sapatos at accessories na isusuot ninyo sa kasal namin ng Tita Chenelyn niyo.

Mauilyn: Wow. Sige dad, magpapalit lang ako ng damit!

UMAKYAT SI MAUILYN PAPUNTA SA KWARTO NIYA.

Kendralyn: Dad, pwede bang hindi nalang ako sumama kasi medyo masama po yung pakiramdam ko.

NAGKATINGINAN SINA DON CHITO AT CHENELYN.

Marielyn: Ate Kendralyn, sumama ka na. Minsan lang tayong mamasyal na buong pamilya oh.

Don Chito: Oo nga naman anak. Ano bang nararamdam mo? Gusto mo bang magpakuha ako ng gamot kay Yaya Onessa?

Kendralyn: Hindi na po. Medyo makirot lang po kasi yung tiyan ko.

Don Chito: Sigurado ka ba?

Kendralyn: Yes dad.

Jenny: Sasama ka na ba ate Kendralyn?

Marielyn: Sasama yan. Diba Ate Kendralyn?

Kendralyn: (Pilit ang ngiti) Sige.

Marielyn: Yehey!

•••••••••••••••••••••
ILANG ARAW ANG LUMIPAS.
SA BAHAY NINA LADY VERA.
NAG UUMAGAHAN SILANG PAMILYA.

Winston: Ang bilis ng panahon. Pasko na naman bukas.

Marielyn: Oo nga kuya eh. Excited na ako para mamaya sa noche buena. First time ko kayong makakasama ngayong pasko.

Lady Vera: Ito na ang pinaka masayang pasko na mangyayari sa buhay ko. Mula nung mahiwalay ka sa amin anak, laging kulang ang pakiramdam ko kapag sasapit ang pasko pero ngayon sobrang kumpleto na ang pakiramdam ko! Hindi ka man namin nakasama nung mga nakaraang pasko, ang importante eh magkakasama na tayo. Pangako anak, babawi ako sa'yo.

Marielyn: Hindi niyo naman po kailangang bumawi Inay eh. Sapat na po sa akin na kasama ko kayong lahat. Yun lang po masayang masaya na ako.

Winston: Ang sweet naman ng kapatid ko oo. Hahahaha.
•••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROLANDO.
GARDEN AREA.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon