CHAPTER NINETY EIGHT (MATCHED)

29 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER NINETY EIGHT
"MATCHED"

ILANG ARAW ANG LUMIPAS.
SA JANSOM UNIVERSITY.

MAGKAKASAMA SINA MAUILYN, DANIELLA, SHANA AT LOUIE SA GARDEN.
NAKAUPO SILA SA BENCH AT NAG UUSAP USAP.

Daniella: Nakakaloka talaga 'yang daddy niyo ah, masyadong matulis!

Shana: Nakakabigla 'yun ah? May isa pa pala kayong kapatid? Kaloka!

Mauilyn: Pero hindi ako maniniwala hangga't hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test nila. Ewan ko ba dun kay Daddy, pinatira niya agad sa mansion yung Jenny na 'yun.

Louie: Eh paano kung positive ang result ng DNA Test? Anong gagawin mo?

Mauilyn: I don't know. Basta hindi ko siya feel maging kapatid. Mukha siyang oportunista.

Shana: Sissy, huwag mo na muna siyang i-judge. Malay mo makasundo mo siya?

Daniella: Oo nga naman Sissy. Kung si Kendralyn nga nakasundo mo eh siya pa kaya?

Mauilyn: (Huminga ng malalim) Sana maging negative ang result ng DNA Test.

Daniell: Grabe ka talaga sissy.

•••••••••••••••••••••
SA CAFETERIA.
MAGKAKASAMA NAMAN SINA KENDRALYN, CHELSEA, PIA AT HECTOR.

Hector: Sana ma-meet namin yang half sister slash cousin mo!

Chelsea: I can't believe na hindi lang pala sina Mauilyn at Marielyn ang half sisters mo.

Pia: Hindi na ako magugulat kung baka isang araw eh may Fifth at may Sixth ka pa palang half sisters or brothers hahaha! At puro kayo Lyn ah! Hindi naman obvious na mahilig sa may sa Lyn sa name ang daddy niyo ano? Haha.

Hector: True! Playboy pala ang daddy niyo eh! Hahaha.

Kendralyn: (Ngumiti) Oo nga eh. Pero you know what guys, parang happy naman ako na malaman na may isa pa pala kaming kapatid. Unlike noon nung nalaman ko na may mga half sisters pa pala ako. Maybe because mas ramdam ko yung lukso ng dugo ko sa kanya dahil pamangkin siya ni Mommy.

Chelsea: Or maybe because hindi na talaga ikaw ang dating Kendralyn na kontrabida hahaha.

Kendralyn: I don't know pero basta, I just wish na totoo ngang kapatid namin siya. Malapit naman ng lumabas ang resulta ng DNA test nila ni Daddy eh. Halos isang linggo na rin kasi mula nung kinuhanan sila ng DNA samples.

Pia: Well, good luck. Sana nga totoong kapatid niyo siya.

•••••••••••••••••••••
MAGKSAMA NAMAN SINA ALDRIN AT MARIELYN SA LIBRARY.

Aldrin: Iba talagang magbiro ang tadhana ano? Biruin mo, kapatid mo pala yung minsang tinulungan natin noon.

Marielyn: Oo nga eh. Grabe yung mga pinagdaanan niya. Sana mas maaga niyang nalaman na anak siya ni daddy noh? Sana noon pa lang naging maganda na yung buhay niya.

Aldrin: Tama. Pero at least ngayon alam na niya diba? Hindi pa naman huli ang lahat eh.

Marielyn: (Ngumiti) Oo nga.

•••••••••••••••••
VILAVICEÑO MANSION.

BUMABA NG HAGDAN SI JENNY AT PINAGMAMASDAN ANG BUONG MANSION.

Jenny: Ang ganda ganda talaga dito at ang laki laki! Hindi ko akalain na titira ako sa ganito kalaking bahay. Hayyyy...

NAKITA SIYA NI KIKAY.

Kikay: Jenny!

Jenny: (Napalingon) Ikaw pala Yaya Kikay.

Kikay: Naku, hindi pa rin ako makapaniwala na isa ka palang Villaviceño! Parang kailan lang nung bumibili pa ako sa'yo ng gulay sa palengke eh! Hehehe!

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon