CHAPTER EIGHTY SEVEN (I LOVE YOU TOO)

32 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER EIGHTY SEVEN
"I LOVE YOU TOO"

ILANG ARAW ANG LUMIPAS.
IPINATAWAG SA DEAN'S OFFICE SINA MAUILYN AT LOUIE.

Dean: We are very sorry for what happened.
Marami ang nagsabi na ang grupo ng pamangkin ko na si BJ ang nag simula ng gulo. Marami din ang nakapag video ng mga nangyari kaya ako na ang humihingi ng pasensiya sa inyo.

Mauilyn: So ganun na lang ba 'yun? Wala kayong gagawing aksyon? Bakit, dahil ba malakas ang kapit nila sa school na ito? Estudyante kami dito, nagbabayad kami ng malaki para mag aral at hindi para bastusin ng kung sino sino lang!

Louie: Tama. May nakapag sabi din sa amin na lagi nila itong ginagawa sa iba pang estudyante ng Jansom. Ibig sabihin, tino-tolerate niyo ang mga ginagawa nila.

Dean: Hindi naman sa ganun. Kaya nga ako na ang humihingi ng paseniya sa ginawa nila. Pag usapan nalang natin ito. Makipag areglo nalang kayo.

Mauilyn: No! Hindi kami papayag ng ganun! Ang gusto namin sila mismo ang mag sorry sa amin sa harapan ng buong Jansom University! Harapin nila kami at huwag silang duwag!

NATIGILAN ANG DEAN.

Mauilyn: Binastos nila ako and I believe that is punishable by law! Kung hindi nila gagawin yun idedemanda ko sila at pati na ang school na ito, pati ikaw matatanggal ka sa trabaho mo for tolerating this kind of act inside the campus!

NAPATINGIN SI LOUIE KAY MAUILYN.

Dean: Ms. Villaviceño, please huwag na nating paabutin pa sa ganun.

Mauilyn: Pwes, iharap niyo sila sa amin at sila mismo ang mag apologize sa amin!

Dean: (Huminga ng malalim) Makakarating.

Mauilyn: Good (Tumayo) Let's go, Louie.

TUMAYO NA RIN SI LOUIE AT LUMABAS NG DEAN'S OFFICE KASAMA SI MAUILYN.

•••••••••••••
NAPAGALITAN NAMAN SI ERSON NG KANYANG DADDY DAHIL SA NANGYARI AT PINAPALIPAT NA ITO NG ISKWELAHAN.
GANUN DIN SINA BJ AT MARK.

KINABUKASAN NAG HARAP HARAP MULI SINA MAUILYN, LOUIE, ERSON, BJ AT MARK SA PARK.
MARAMING MGA ESTUDANTE ANG NANDOON DAHIL PINAPUNTA SILA NINA MAUILYN. NANDOON DIN SINA MARIELYN, ALDRIN, KENDRALYN, DANIELLA, SHANA, HECTOR, CHELSEA AT PIA.

Daniella: Ang tapang talaga ni Sissy!

Shana: True!

Hector: Mabuti nga sa kanila (Erson).

Mauilyn: (Nakatingin kina Erson, BJ at Mark) So, magtititigan na lang ba tayo dito?

Louie: Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin.

Erson: (Huminga ng malalim) Sorry.

Bj: P-pasensiya na kayo sa nangyari.

Mark: Panalo na kayo. Aalis na kami sa Jansom.

Mauilyn: (Ngumiti) Mabuti naman kung ganun. Apologies accepted.

Louie: Sana natuto na kayo at next time huwag na kayong mambabastos ng babae.

Mauilyn: Tayo na Louie.

UMALIS NA SINA MAUILYN AT LOUIE.

Erson: Bwisit!

•••••••••••••••••••
SA CAFETERIA NG JANSOM.
NANDOON SINA DANIELLA, CHELSEA, SHANA, PIA AT HECTOR.

Daniella: Mabuti nga sa kanila! Akala nila porket may kapit sila sa school na ito eh makakaya kaya na nila lahat!

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon